HappyHINDI ko alam kung magsasalita ba ako o h'wag na lang. Kaharap ko ngayon si Jewell habang katabi niya naman si Tita Aida at katabi ko naman si Jauncy. Madalas na ang pagbisita sa amin ni Tita Aida ngunit kasama nito si Jewell.
"Masarap ba, Krem? Ako ang nagluto niyan," natutuwang wika ni Jewell.
"Medyo," sagot ni Jauncy at sandaling nilingon pa ako. "Uh, medyo maasim nga lang."
"Anak, syempre maasim talaga kasi sinigang 'to. May sinigang bang matamis?" natatawang tugon ni Tita Aida.
"Sabagay. Pero uh... mas gusto ko pa ang pagluto nito ni Xierl. Tamang-tama kasi ang timpla."
Bigla akong nabilaukan. Napatikhim ako at mabilis na nagbaba ng tingin. How can I eat comfortably right now? Ramdam ko naman ang pananahimik ng dalawa. Sandaling napatingin pa ako kay Jewell na tulalang kumakain.
Pati ako ay hindi pa rin mawala ang pagkagulat. Unang-una, kailan ko siya ipinagluto ng sinigang na isda? Pangalawa, minsan nagluluto naman ako pero kapag tungkol sa isda ay pass agad. At pangatlo, wala akong alam kung paano lutuin ito. Kaya bakit sinabi 'yon ni Jauncy?
"Baka matamis ang pagkaka-sinigang niya?" ani Jewell at sarkastiko pang natawa.
"May sinabi ba akong matamis? I just said, tamang-tama ang timpla," agap ni Jauncy.
I scoffed. Mabilis akong natapos kumain at agad nang tumayo. Pagkatapos ay nagtungo ako sa salas at nanood na lamang muna ng action movie.
Maya'y-maya ay tumabi sa akin si Jauncy. Nakasunod pa nga sa kanya ang dalawa na mukhang naging buntot niya. I noticed Jauncy's wet hands. Nagkatinginan pa kami ni Jewell at agad pa ako nitong pinandilatan ng mga mata.
"Ganyan ka pala noh? Pagkatapos kumain ay aalis na agad tapos si Jauncy na ang pahuhugasin," anito.
I smirked.
"Bakit hindi na lang ikaw ang naghugas? Saka baka gusto mo, buong pagkatao mo pa ang huhugasan ko? Now, choose."
"We gotta go. We'll visit again. Take care," biglang singit ni Tita Aida.
Narinig ko naman ang mahihinang reklamo ni Jewell habang nakasunod kay Tita Aida.
"May galit ba si Tita Aida sa akin?"
"W-Wala. I just don't know what's with my mom's mind. Hindi niya dapat sinasama pa si Jewell kapag magpunta rito. Maybe, she's just testing your reactions. Who knows?"
"Should we be happy, right?" my voice broke.
Napalunok ako. Bakit mukhang ang bigat sa dibdib ang sabihin 'yon? Mahinang napasinghap ako nang may mapagtanto. I like him? Shit! Siguro naman hindi. O baka naman nasanay lang ako na kasama siya. Tapos kapag maputol na ang koneksyon namin sa isa't-isa, ay syempre may parte rin talaga sa akin ang mami-miss siya. I won't deny that.
"What do you mean?" he asked, confused.
Binuhat ko muna si Asher at ipinahiga sa hita ko.
"Uhmm, alam mo na... Kasi 'di ba, pansin kong malapit sa isa't-isa si Tita Aida at Jewell. At pinangakuan mo pa naman ng kasal si Jewell, baka gusto ng Mommy mo na itigil na lang ang kung anong meron tayo."
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Novela JuvenilHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...