BeautifulPARANG gusto kong masuka sa pagkahilo. Bigla kasi akong dinumog sa hallway ng school tapos ang daming tanong. Yung amoy nila ay nagkahalo-halo na.
"I need... space!" I spread my arms widely. "Jusko naman! Hangin, nasaan ka na?"
"Xierl, ano bang meron sa inyo ni Jauncy? Parang ang weird naman kung may something kayo. Hindi ba tomboy ka?"
Napatakip ako sa bibig. Heto na naman tayo sa pagiging tomboy. Napakamot na lamang ako sa ulo.
"Kung tungkol lang naman kay Jauncy, mabuti pa'y magsialisan na kayo. Male-late na rin ako."
Umalis na yung iba ngunit may dalawang nagpaiwan. Oh, atat na atat talagang makibalita? Hinarangan ako ng mga ito nang subukan ko silang iwasan.
"Malandi! Akala mo naman na ang taas na ng narating porke't may kakilala lang na sikat. Feeling sikat na rin. Kung makapagtaboy ba naman..."
"E, ano bang gusto mong gawin ko?" I checked my watch. "As much as I want to rant with your filthy mouth, kailangan ko nang umalis dahil ayokong ma-late dahil lamang sa inyo."
"Uy, kumusta kayo ni Jauncy?" bungad na tanong ni Geniel.
Nakakapagtaka talaga. Dati hindi naman feeling close si Geniel. Tinalo pa nga ang artista na ayaw nilalapitan at todo iwas sa mga fans na agresibo. Pero ngayon, mukha ko na din siyang fan.
"Kayo ni Danilo? Kumusta naman?"
"Well, uhmm... nagkabalikan kami," she smiled widely.
I was silent for a seconds. Nagkabalikan? How can Danilo accepts her? Danilo said to himself that he never tried loving her because he was just blackmailed by Geniel.
"Baka bina-blackmail mo na naman?" tanong ko at nagtungo na sa upuan ko.
Palihim akong naglagay ng airpods habang nagdi-discuss sa harapan ang instructor namin. Tinakpan ko ito ng buhok para walang makakakita. Well, napag-aralan ko na rin naman kagabi ang discussion ngayon kaya okay lang kung hindi na ako makikinig.
Inaasahan ko na ang magkaroon ng pagsusulit. Nagkaroon kami ng oral recitation. Marami kami kaya bawat oral namin ay gumagamit kami ng lapel microphone para rinig at klaro ang mga paliwanag namin. Our course is also about good in public speaking kaya karamihan sa amin ay sanay na sa pagpapaliwanag not just in written works.
Papunta na sana ako sa parking lot dahil malapit na raw si Jauncy ngunit napatigil ako nang matanaw si Cyrill na papalapit sa akin. Dali-dali akong naglakad at kunwaring hindi siya nakita.
Isang linggo ko na kasi siyang iniiwasan. Silang dalawa ni Danilo. Palagi kasi silang magkasama kaya pati si Danilo ay nadamay na rin sa pag-iwas ko kay Cyrill. I even received a message from Danilo about my weird actions lately.
E, hindi ko pa kasi kayang harapin si Cyrill dahil sa sobrang kahihiyan pagkatapos makapagbitaw ng nakakatindig-balahibo na mga salita si Jauncy sa kanya.
Hindi ko inaakala na nauna na palang nakarating sa parking lot si Jauncy. He's leaning on his car while checking his watch. When he saw me, he quickly opened a door for me.
"Natagalan ka," aniya.
"Hindi kaya noh. Mas nauna ka lang."
Rinig na rinig agad ang pagtahol ni Asher bago mabuksan ang pintuan. Patalon agad ako nitong sinalubong kaya natawa na lamang ako.
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Подростковая литератураHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...