Pregnant
I was crying the whole day. Hindi lang sa araw na 'to, kung hindi sa mga nagdaang araw. My parents had a trip in Japan. Pinasama nila ako pero umayaw agad ako. Hanggang do'n ay alam ko namang trabaho pa rin ang aatupagin nila.
Kaya naiwan akong mag-isa dito sa bahay. Pati si Aling Elda ay naka-leave ng isang buwan.
Pinilit ko ang sarili na kumain para magkaroon man lang ng konting lakas sa katawan. Pakiramdam ko kasi ay nanghihina ako. Mabilis akong napatayo at nagmamadaling nagtungo sa cr. Bakit ang pangit ng lasa ng itlog na 'yon? Baka bulok na itlog yung naluto ko!
Suka ako nang suka. Nakaramdam rin ako ng pagkahilo kaya pati paningin ko ay umiikot na rin. Walang lakas akong napasandal sa pader. Maybe because of depression, that's why I don't have an appetite to eat.
Tinawagan ko si Cyrill na agad rin namang sumagot.
"Ri, puntahan mo ako dito sa bahay namin..." naluluhang bungad ko sa tawag.
"Anong nangyari? Okay ka lang? Sige, noted. Pupunta na ako diyan."
Bumalik ako sa kusina at pinilit ang sarili na kumain. Pero nang maamoy na naman ang itlog ay bumaligtad na naman ang lalamunan ko. Kaya itinapon ko na lang ang itlog.
Dahil sa inis ay inihagis ko ang mga pinggan na nasa mesa. I felt so sick. Pero ayaw ko namang magpadala sa nararamdaman ko. Gusto kong magpalakas!
Natagalan bago nakarating si Cyrill. Nakaabang na kasi ako sa gate, hinihintay siya.
"Sorry. Akala ko kasi sa bahay niyo ni Jauncy. Nagtataka tuloy ako na naabutan ko si Jewell do'n. Hindi ko pala alam na tinapos niyo na ni Jauncy ang kung anumang meron sa inyo."
My heart flinched painfully. Masaya na ba sila Tita Aida? Sa wakas ay napalitan na ako ni Jewell. Grabe ang saya nun. Ang saya sa parte nila. Bigla akong napahagulhol kaya natatarantang nilapitan agad ako ni Cyrill.
"Shit! Anong nangyari sa'yo? Xierl, sorry ha? Alam kong marami kang pinagdadaanan lalo na sa isyung kumalat sa'yo. Putanginang gago naman kasi kung sinong nag-upload. Saka deleted na rin naman. 'Yon nga lang, alam ko na hindi basta-basta ang naging impact ng 'yon sa'yo."
"Thank you, Ri..."
Isang linggo ko nang naranasan ang palaging nagsusuka tuwing umaga. Kaya nanghihinala na ako at the same time kinakabahan. Ayokong mag-isip ng iba pero may posibilidad na buntis ako. Idagdag pa na may nangyari sa amin ni Jauncy. Hindi pa ako ready.
I hate kids. Kaya nga ay wala akong planong magkaanak. Kaya kung may namumuo man sa amin ay baka magawa ko pang ipalaglag ang bata. Kahit alam kong kasalanan ang gawin ito.
Bumili ako ng pregnancy test. I prayed hard that I was wrong with my thoughts. Baka nga dulot lang talaga 'to sa pagiging emosyonal ko sa mga ilang araw na.
Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig nang makita ang dalawang linya. Pinigilan ko ang sariling hindi maluha. But I end up crying loudly inside the bathroom. Pinagsusuntok ko pa ang tiyan ko habang sumisigaw ng malakas.
Bakit ganito? Ang bata ko pa para mabuntis! Hindi ko kayang tanggapin.
I'm blankly spacing out. Minsan naiisip ko kung ano ang dapat gawin para mabilis na maipalaglag ko ang batang nasa sinapupunan ko. But everytime my hand landed to my stomach, conscience encaged me.
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Teen FictionHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...