EngagedNAPILIT nila akong magsuot ng evening gown. Though, simpleng gown lang naman at hindi revealing. Pero nakakailang dahil hindi ako sanay na suot ang ganito lalo na't naka-heels pa ako. Mabuti na rin at hindi nila ako napilit na maglagay ng kolorete sa mukha.
Hindi lang kasi meet and introduce ang pagkikita namin kundi engagement party na rin. So expected na may mga bisita. It made me even cried for hours. Sana hindi madaming tao, sana mga relatives lang nila ang nando'n.
Hindi ko maiwasang mapaisip kung what if malaman ng mga kakilala ko? Nakakahiya!
"You're so lucky of being Jauncy's fiancée. Vlogger siya at paniguradong makakasama ka niya sa upcoming vlogs niya. Baka nga diyan na magsisimulang makilala ka ng karamihan!" Mommy excitedly said.
"I don't need any exposure." I said, frowning.
Malaki ang mansyon nila Ayen. Sa gate pa lang ay mapapaangat ka talaga ng tingin. Kilala rin kasi ang family name nìla. A well-known Mozar, which is their surname. They owned SMs in the different places. Mapa-Luzon, Visayas, at Mindanao man. Yes, they're really that rich. And they were that popular family.
Tuluyan akong napayuko nang pagbuksan kami ng gate ng mga guwardiya. May maliit na salu-salo sa malaking garden nila. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil konti lamang ang mga taong nandito o kakabahan pa rin dahil i-a-announce ang pagiging engaged naming dalawa ng Jauncy'ng 'yon.
I'm searching for Ayen's presence but I couldn't find any shadow of her. May lumapit na mag-asawa sa amin. Nakipagbeso kay Mommy ang babae. Siguro ito na yung parents nila Ayen.
"Ito na ba si Xierl?" the woman said while scanning me. "Maganda naman pala. Akala ko ba tomboy?"
Muntik na akong nasamid sa sariling laway. Grabe. Tomboy talaga? Sino bang nagsabi niyan?
"Aida, boyish lang ang anak ko pero hindi tomboy," natatawang wika ni Mommy.
"I see. Sayang naman talaga kung mapupunta rin siya sa babae rin. Uh, nabalitaan ko nga pala na naging sila rin ni Ayen?"
Natutop ko ang aking labi. Shit! Alam na pala nila. Pero bakit naisipan pa nilang ipares kami ng anak nilang lalaki? Knowing the fact that it's really awkward for my side and of course to their daughter also.
"Alam mo na, the teens right now are very playful. Kung ano-ano na lang ang naiisipang gawin. Paniguradong laro lang din ang lahat," tugon ni Mommy.
I rolled my eyes. Iniyakan ko pa nga ng sobra tapos laro lang? Sus, ayaw lang tanggapin na minsanang nagmahal na rin ako ng babae.
"My son is inside. Let's go inside first and talk about the plans before announcing their engagement here."
Pakiramdam ko ay dumikit na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. I don't want to see his face again after arguing with him the last time.
Kung ma-a-arrange lang din naman ako sa isang lalaki dapat yung hindi ko kilala. Bakit sa kanya pa? Worst, ay konektado pa siya kay Ayen! This is so surreal!
Nilakasan ko ang aking loob nang makita ang lalaki kasama si Ayen sa malaking salas nila. Hindi makatingin sa direksiyon ko si Ayen at nanatiling nakayuko lamang. Oh God, how I'm missing all of her. Kung pwede pa ngang yakapin siya sa harapan nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/179040824-288-k837537.jpg)
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Teen FictionHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...