27

118 7 0
                                    


Possible



NAG-INAT ako ng mga kamay pagkatapos mag-edit ng vlog ni Jauncy. Nakakainip naman kasi at walang ibang magawa. Kaya nag-volunteer na lang ako na ako na ang mag-e-edit.



Nasa cafeteria ako habang nagpapalipas ng oras. Dalawang subject kasi ang walang klase. Naisipan kong hindi tumambay sa loob ng classroom dahil mapupuno lang ako do'n ng pagkakutya.



"Libre naman diyan Astamira," may biglang lumapit sa akin na lalaki.



May dalawa pang lalaki ang lumapit. Mukhang mga kasamahan nito. I tried to ignore them. Pero nabibwiset na ako dahil hindi pa rin nila ako tinitigilan. Anak ko ba sila para sa akin manghingi ng pera? And the weird thing, hindi ko sila kilala.



"Stop calling me Astamiraca. It's my surname. Saka close ba tayong apat?"



"Sige na. Libre naman diyan. Sinosolo mo lang talaga ang perang nalikom mo galing sa sikat na vlogger na 'yon. Jauncy ba kamo? Ang daming establishment ang pagmamay-ari nila, 'di ba? Swerte mo naman!" ani ng isa at hinila ang isang upuan at agad nang naupo sa harapan ko.



My blood boiled in anger.



And so? Anong kinalaman ko kung ang daming pagmamay-aring establishment ang pamilyang Mozar?



"Hoy, for your information, sariling ipon ko ang ginagamit ko. Anong akala niyo sa parents ko? Hindi kayang sustentuhan ako?"



I gasped loudly when one of them quickly took my wallet after checking my bag's inside. Walang hiya pa itong binuksan at kinuha ang apat na libo.



"Puta. Ibalik mo 'yang pera ko sa wallet! Pakialamero kayo ah!"



Mabilis akong napatayo at hinabol ang tatlo nang tinakasan lamang nila ako. Paglabas ko sa cafeteria ay hindi ko na sila namataan dahil sa dami rin ng taong naglalakad sa hallway.



Hinihingal na napanganga ako habang napayuko at napahawak na lamang sa tuhod. Hindi pa rin ako makapaniwala na ninakawan nila ako ng pera. Hindi ko alam kung magsusumbong pa ba ako. I don't know. I'm really shocked. Super shocked.



How in the world I experienced it just right now? Ang daming araw ang nagdaan na sobrang nag-a-adjust ako. Pakiramdam ko ay inaapi-api na ako ng mga tao dahil lamang sa pagiging malapit ko kay Jauncy.



I want myself to go back in my normal state. Okay lang na walang pumapansin sa akin, h'wag lang yung ganito. Parang gusto ko na lang ang maiyak. Hindi na ba ako karespe-respeto? Tinakbuhan lamang nila ako na parang wala silang ginawang mali.



"Okay ka lang?" tanong ni Geniel at siniko pa ako.



She became my seatmate. Nakipagpalitan kasi sa katabi ko. Talagang mahilig lang mang-blackmail.



I just shrugged my shoulders and then ignored her. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino.



"So class, I have a short article here. And for our quick oral, each of you must read this one base on the tone you're comfortable. And that's not just the case. This is very important. I'm going to choose one person that is my bet to voice over for the upcoming filming for our university that be submitted internationally. It's about the documentation of the Willton."



Agad na dumikit ang mga mata ko sa instructor namin. Be submitted internationally? That's really a big opportunity.



I did my best. Pagkatapos kong basahin ang article ay nakahinga pa ako ng maluwag nang makitang napapalakpak ang instructor namin. I felt so confident and satisfied. But not until when I heard who he chose. 



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now