31

120 6 0
                                    


Missing

PINUNTAHAN ko si Geniel sa bahay nila. Nang makalabas siya sa gate ay agad ko siyang sinugod at pinagsasabunutan ng buhok. It's just 6 AM. Pero hindi ako makatulog ng maayos sa kakaisip kung paano ko patayin sa isipan ang babaeng 'to.



When she borrowed my phone, I forgot that I have a private video of myself in there. Wala na akong ibang mapagdudahan dahil siya lang naman ang humiram sa cellphone ko.



"Aray! Wait!"



Nagpupumiglas siya ngunit todo sabunot pa rin ako sa buhok niya. Pinapahiya niya ako ng sobra. I felt so naked with the eyes of all people. Nakita na nila ang buo kong katawan na hubad. Sobrang nakakasira ng dignidad.



Mabilis kaming inihiwalay ng dalawang guwardya.



"What did I do to you?" humihingal na wika nito habang inaayos ang buhok.



Nagpupumiglas ako sa guard at agad na pinadapo ng malakas ang palad ko sa mukha niya.



"Ma'am, we'll call the police kung hindi ka aalis. Nananakit ka na rin."



"Tangina! Tumahimik ka!" asik ko sa guwardya.



Nandidilim ang paningin ko sa galit.



"Sabi ko na nga ba at may masama kang binabalak!"



"I didn't do anything! Bakit ka galit na galit sa akin?!"



"Bakit kumalat ang video ko? Ikaw lang naman ang nakakahawak sa cellphone! Tangina mo noh? Feeling close ka lang pala dahil hinahanapan mo ako ng butas para sirain ang pagkatao ko. How is it, Geniel? You succeed. Sirang-sira na ang imahe ko."



"What video?" gulat nitong tanong.



Pagak akong tumawa.



"Nadedemonyohan ako sa'yo, alam mo ba? Hindi mo na kailangang magsinungaling. Huling-huli ka na nga, e."



She sighed.



"Someone posted the video?"



"Oo! At alam kong ikaw 'yon!"



She shook her head.



"Wala akong ideya sa sinabi mo. Please, calm yourself. Let's talk about it inside."



Pinaalis niya ang guwardya at nagtungo kami sa kwarto niya. I noticed that her parents weren't here.



"H'wag ka munang mag-react. Patapusin mo muna akong magsalita. Unang-una gusto ko talagang mag-sorry..."



Agad na nanlisik ang mga mata ko. My blood boiled in anger. Ibig sabihin ba nito ay umaamin na siya sa nagawang kasalanan?



"Honestly, that time when I opened your gallery, I was shocked seeing a video of yourself. Not just a natural video but you're totally naked. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang i-react. I'm literally turned on. Gusto ko lang naman magpapasa ng mga pictures mo pero naisipan kong isali na lang ang video'ng 'yon. But seriously? Wala akong alam sa sinasabi mong kumalat. May hangover pa nga ako, e."



My eyebrows furrowed in confusion.



"What do you mean that you're turned on?" madiing tanong ko.



Bigla siyang naluluhang napayuko. Anong kaartehan ba 'to? Siya pa talaga ang naiiyak? E, ako nga dapat!



"I'm a lesbian, Xierl..." she blurted.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now