40

201 9 0
                                    


This is the last chapter. Epilogue's next! See you soon Rolfins to the last book of Humiliation Series (Wail of Dance).

'The greatest happiness of life is the conviction that we are loved.'

_________________


Fate

SKYDIVE Cebu is really our next target. And right now, we checked-in at Bantayan Island Airport. Excited na akong mag-skydiving kahit wala pa akong experience. Kami lamang dalawa ni Jauncy dahil bawal pa si Xiency kaya iniwan muna namin sa parents ni Jauncy.



Per head is worth nineteen thousand. But I knew for sure that we'll enjoy a lot. At hindi naman masasayang ang magagastos namin. Pero sa aming dalawa ni Jauncy ay kahit isang beses ay hindi ko pa talaga na-try kaya halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.



Nakita ko kung paano nangunot ang noo ng kasama ko matapos i-explain sa amin ang mga instructions. Hindi ko maintindihan ang naging reaksyon ni Jauncy.



"I don't like that idea. I have experience already. Pwedeng ako na lang din naman ang magiging tandem niya," giit ni Jauncy.



It's a tandem skydive which each of us will be attached to a professional instructor who will guide us individually in the entire experience.



"Hindi po pwede, Sir. Required po talaga."



Jauncy heaved a deep sigh.



"If that's the case, I need a girl instructor for my wife," Jauncy said in a demanding tone.



Palihim ko siyang sinaway. Ako na ang nahihiya sa kausap namin. Ang reklamador niya naman kasi. At ano naman ngayon kung naka-attach ako sa lalaking instructor? It's not as if, I'll cheat on him with that stranger. I couldn't understand him sometimes. He's really territorial, though I like that somehow.



"Seloso ka talaga e 'no? Asawa mo na ako tapos nagseselos ka pa rin? You should trust me and be proud that I chose to marry you," bulong ko.



He sneered.



"May iba nga diyan na kahit may marami lng anak, naaagaw pa rin. Paano pa kaya ikaw na hindi halatang pamilyado na?" he vocally said.



Napatampal na lamang ako sa noo. Nahihiyang napangiti ako sa lalaki at ako na ang kumausap.



For the whole activity, parang nabibingi na ako sa sarili kong sigaw. Para akong ibon na naputulan ng pakpak na unti-unting nahuhulog pababa. It made me calm when I looked up but when I looked the view below, it feels like I run out of blood.



Pagkatapos ay agad akong sinalubong ni Jauncy. Kaya agad ko rin siyang niyakap. Isiniksik ko ang ulo sa dibdib niya nang makaramdam pa rin ng kaunting pagkahilo.



"Hindi ako nag-enjoy. I'm so bothered with that guy being so close to your body."



I immediately lifted my head. Naiinis na binatukan ko siya.



"Ewan ko sa'yo, Onse. Hindi nga ako nagselos na may kasama ka rin. May iba nga diyan na lalaki naman pero biglang hindi naging straight dahil lang din sa isang lalaki," I joked.



"You don't know what I feel, Xierl. Iba akong magmahal, you know about that."



Medyo natagalan kami sa paghihintay na makuha ang kopya ng mga larawan at videos namin. When we have it already, I quickly checked our pictures. Tawang-tawa ako nang makita ang sarili ko na ang laki ng pagkanganga. Si Jauncy naman ay nakasimangot sa lahat ng mga larawan niya. He's so unbelievable.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now