01

281 12 1
                                    


Yes

I played the smoke coming from my mouth that I exhaled from the vape. It's just been two months since Ayen ended our relationship. And obviously, I still have no plans for moving on. Wala nga akong ideya kung anong naging dahilan sa biglaang pakikipaghiwalay niya sa akin.

Nasa computer shop ako sa oras na 'yon tapos tatawagan niya lamang ako para makipaghiwalay? That's literally bullshit. At hanggang ngayon ay iniiwasan na ako ni Ayen. Mukha ngang pinagtataguan niya ako dahil hindi ko talaga siya mahanap. It's better if she broke up with me face to face. But through call? Tss.

Dumating pa talaga ako sa point na nakipag-away ako sa vlogger niyang kapatid nang nagpunta ako sa bahay nila. Influencer pa naman ang kapatid niya kaso walang modo. Sinabihan ba naman akong nakakadiring tomboy at feeling lalaki. Hello? Iba ang bisexual sa tomboy.

Boyish lang ako tingnan pero babae pa rin ako noh. Palibhasa kasi marami ang mapanghusga. May jowa lang na kaparehong babae, mainit na agad sa mata nila? Ano bang ginawa naming mga bisexual? Hindi naman namin pinapakialaman ang buhay nila, 'di ba?

"Dude, tingnan mo ang bagong display picture ng ex mo!" ani Cyrill.

Napanganga ako. She looks so happy with the guy beside her. Wala na rin siyang braces. Pinatanggal niya siguro. We do have braces, our relationship goals. Pero ngayon? Tss. Ang saya niya pang tingnan na parang balewala lang ang dalawang taong pagsasama namin.

"Awts! Pain! Pighati! Nalulumba–"

"Shut up, Ri!" I cut him off.

"Maghanap ka na lang kasi ng lalaki. Maraming gwapo diyan! H'wag puro babae. Kaya ka talaga napagkakamalang tomboy e!"

"Isa pa talaga at mahahampas na kita ng upuan," banta ko.

Nandito kami sa kusina sa milktea shop ni Cyrill. Itong kusinang 'to ang naging tambayan naming magbabarkada. Pero sa ngayon ay kami lang ni Cyrill ang nandito. Busy ang iba e.

Naiinis kong hinubad ang suot na sapatos habang rinig na rinig ang parehong litanya ni Mommy kapag umuuwi ako.

"Nagpunta ako sa university niyo, Xierl. And I'm really disappointed. May dalawang subject ka palang muntikan mo nang nabagsak? But still, pasang-awa pa rin ang nakuha mong grades! Your dad will surely be mad about this news!"

"Mom, you should be thankful. At least hindi ako bagsak."

"Bastos ka talaga! 'Yan! 'Yan ang naging influence ng mga kaibigan mong lalaki! Look at you, acting like a cool guy. Babae ka, Xierl! Babae ka!"

I silently nodded.

"Yes, Mom. Babae naman talaga ako. Sinong may sabing lalaki ako?"

Tumalikod na lamang ako nang makita ang hindi maipintang mukha ni Mommy. I know I'm being disrespectful sometimes. Pero nasasaktan lang ako kapag ang mga kaibigan ko ang sinisisi sa mga nangyari sa akin. Wala silang ibang ginawa kundi ang i-comfort lamang ako at sabayan ang mga trip ko. That's it.

Nakaramdam ako ng kaba ng pinababa ako ng mayordoma namin. Utos daw ni Daddy. Daddy is really one of the proofs for being silent but deadly.

Tahimik akong kumakain ng cookies. Pasulyap-sulyap ako kay Daddy na may binabasang newspaper. Minsan ay nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya at minsan naman ay ako naman ang nakakahuli sa mga mata niyang matalim na nakamasid sa akin.

Ibinaba niya ang newspaper.

"Are you familiar with Jauncy Kremer? By the way, his last name is Mozar. Do you know him?"

Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now