03

156 9 0
                                    


Riotous

PROBLEMADONG napaupo ako sa kama pagkatapos ilagay sa isang closet lahat ng mga damit ko. Si Jauncy naman ay kanina pa tapos. Kasalukuyan siyang nagbabasa habang pinaikot-ikot ang inuupang swivel chair.



"This will be my bed. Sa sofa ka na lang o 'di kaya'y sa sahig. May makakapal namang beddings at blanket para hindi ka ginawin," basag ko sa katahimikan.



He quickly shook his head. Sinamaan niya pa ako ng tingin.



"No way. Hindi ako makakatulog kapag hindi sa kama nakahiga. Ikaw ang dapat sa sahig. I can't imagine that a famous vlogger will just be sleeping in the floor? Seriously?"



"Alam mo, ang arte mo! Hindi ka ba nahihiya na isa kang influencer tapos ang sama-sama pala ng ugali mo?! Sarap mo talagang sapakin!"



He smirked and crossed his arms over his chest.



"Oh, I'm thrilled. Paano kaya sumapak ang isang tomboy? I'm curious."



"Bisexual ako hindi tomboy, bobo! College ka na dude tapos 'di mo pa rin alam ang definition ng dalawa? Utak kasi gamitin h'wag puro pasikat sa pagba-vlog!"



He gritted his teeth.



"Hindi ako bobo. Despite from being so busy, I'm always in the dean's list. What about you?"



"Ewan ko sa'yo! Magkapatid ba talaga kayo ni Ayen? Kung ano ang pag-uugali niya ay kabaligtaran naman ang sa'yo."



Pumunta ako sa terrace at inilabas ang vape. His parents bought a condo for us. Malaki ang space pero konti pa lang ang mga kagamitan dahil bago pa naman kami dito. Ang laki ng kwarto, 'yon nga lang ay isang kwarto lamang ang nandito. Mukhang sinasadya talaga nila 'to.



Iniisip siguro nilang magtatabi kaming matutulog. Nakakatindig-balahibo naman kung gano'n. Mas komportable pa akong katabi si Cyrill. Pero yung lalaking 'yon? Wala akong tiwala.



I started playing with the smoke while making some shapes using the smoke that comes from my mouth.



Sa terrace ako nagtambay buong magdamag. Nakatulog pa nga ako sa couch habang nakaupo lamang. Hindi pa ako nananghalian kaya nakaramdam na ako ng pagkagutom.



I stretched my arms and did some jumping for a quick exercise. Pagpasok ko ay napasigaw ako nang makakita ng itim na pusa na nasa kama. The cat stared at me back that made me screamed loudly.



"What the fuck is happening right here?! I'm recording a video!"



Pinandilatan ko siya ng tingin. Galit kong itinuro ang malusog na pusang prenteng nakahiga sa kama.



"Bakit may itim na pusa dito! Mukhang aswang!"



His eyes widened as he roared in laughter.



"Seryoso? Mamahaling pusa 'yan tapos sasabihin mo lang na mukhang aswang?"



"I don't like cats especially it's black."



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now