14

100 6 0
                                    


Drunk

NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ng malakas na ringtone. I noticed that it's not my phone. Lowbat kasi yung akin. Babalik na sana ako sa pagtulog nang umingay na naman.



I annoyingly stood up and grabbed Jauncy's phone. Nakita ko sa screen ang pangalan ng Mommy niya.



Agad ko siyang ginising. Nakailang yugyog pa ako sa balikat niya at pagsampal sa kanyang mukha bago siya magmulat ng mga mata.



"What?" he asked in a husky voice.



"Your mom," I handed his phone.



Agad rin naman niyang sinagot at ni-loud speaker pa.



"Yes, Ma?" humihikab niyang tanong.



"Papunta na kami diyan. It's your birthday, right? We should celebrate it. Alam kong ayaw mo ng bonggang selebrasyon. So maybe... our presence is more than enough. Just a small celebration with us and your fiancée's parents."



Nanlaki ang mga mata ko. Hala! Papunta na sila dito? And what? It's Jauncy's birthday? Natatarantang napatayo ako at inayos ang higaan. Nagmamadaling inayos rin ni Jauncy ang magulo niyang higaan. Napapansin ko kasi sa kanya na parang helicopter siya kung matulog. Ang likot.



Hindi na ako nag-abalang maligo pa. Naghilamos na lamang ako at nagbihis ng long dress. Dumugo pa ang pang-ibabang labi ko nang makagat ko ito. Bakat na bakat ba naman ang kurba ng katawan ko. Medyo manipis ang dress kaya hindi ako komportable.



"You looked different," he said, smiling ear to ear.



Hindi ko tuloy alam kung dapat bang mainsulto dahil sa klase ng ngiti niya at dahil baka hindi bagay sa akin.



"Your lips is pale. You should wear a liptint. Basta magkaroon lang ng kaunting kulay," he suggested.



"Wala akong liptint e."



"Meron ako. Wait... here."



Nagtatakang tinanggap ko ang inilahad niyang liptint. Gumagamit siya nito?



Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.



"Uso na rin 'yan minsan sa aming mga lalaki. We also used eyeliner. Hindi lang kayong mga babae ang pwedeng gumamit ng ganyan. Mostly male celebrities, also used what girls routinely used."



He grabbed the liptint and insisted to be the one who will put it to my lips. His eyes were directly fixed on my lips. I swallowed hard and blinked for how many times when he wiped my lower lip using his thumb.



"Sorry, nasobraan ko ng lagay. But it's all okay. This candy liptint actually suits to you."



I blankly nodded. Pagkatapos ay nagmamadaling binuksan ko ang pintuan ng kwarto para lumabas na sana pero narinig ko ang pagtawag ni Jauncy. Sinamaan ko siya ng tingin nang makita na parang natatawa. What's funny?



"Seryoso ka na ba diyan? You'll wear that kind of sneakers? Hindi 'yan appropriate, Xierl. Mag-heels ka na lang o 'di kaya'y mag-doll shoes na lang dahil mukhang meron ka naman."



Nakabusangot akong nagsuot ng doll shoes. I lifted my right foot.



"Okay na. Happy?"



He shook his head.



"Mas hindi pala bagay sa'yo. What's that? A dress that paired to a school black shoes?"



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now