CaliforniaINAALAGAN ako ng mabuti dito sa California. Yung Ninang ni Cyrill na tinutuluyan namin dito ay sobrang maalaga talaga. Wala kasing anak na babae kaya tinuring na rin akong anak. Besides, nangingibang-bahay na rin ang tatlong anak nitong lalaki dahil may kanya-kanyang pamilya na rin.
And I actually contacted my parents and told them of not to worry about me because I'm in good care. Through chat, I told them everything what I felt about them.
Nanay Moire saw me again crying. Nilapitan ako nito at niyakap. Kakapanganak ko pa lang kahapon. Hindi ko magawang silipin ang anak ko dahil nakikita ko si Jauncy sa mukha ng bata. Ayoko siyang maalala.
"Nak, mahal mo pa ba?"
I lifted my head.
"Siguro. Pero mas nasasaktan ako para sa anak namin. I didn't dream to be a young mother. I didn't dream to be a single mom. Naaawa ako para sa anak ko..."
"Bakit ka naaawa? Nandiyan ka naman at kayang itaguyod ang anak mo? Hija, maswerte sa'yo ang anak mo. May mama pa siya tapos pwede pang maging papa at the same time."
Nagpapasalamat ako kay Nanay Moire dahil hindi niya talaga ako tinuturing na parang ibang tao lang. Mas feel ko pa na anak niya ako kaysa sa turing sa akin ng mga magulang ko. Actually, she's fifty-five of age but she looked like thirty something.
Kahit may edad na ay hindi ko pa rin nakikitaang may wrinkles siya. Her cheeks are pinkish and she had braces. Ang bata niya pa talaga tingnan sa edad niya ngayon. Perks of being a doctor. Yes, she's a doctor. Siya ang nagsusustento sa pag-aaral ni Cyrill sa Menlo College dito sa California.
Nahiya pa nga ako dahil sabi rin nito ay siya na rin ang magbabayad ng tuition ko kung saang university ko daw gusto. Well, tumigil ako ng isang taon dahil syempre gusto ko lang maging maingat. Saka mahahalata naman na buntis ako at ang daming risks.
"Nay, ano kayang requirements sa Stanford? Baka kasi maswertehan at maging isa sa mga scholars."
Nanay Moire smiled genuinely.
"Gonna check on that. But nak, kahit hindi ka makuha as a scholar of that university, ako na lang ang magbabayad sa tuition. Like what I've told you, okay?
Nagising na naman ako nang marinig ang pag-iyak ni Xiency. Nang silipin ko ito sa kwarto ay pinapatahan na ito ng nanny nito. Hinintay ko itong tumahan bago bumalik sa kwarto at inaantok na nahiga sa kama.
Kahit puyat ay maaga akong nagising. Parehong bihis na bihis na si Nanay Moire at Cyrill.
"Gonna go to work na ako, nak. Sabay na kami ni Cyrill."
Cyrill kissed my forehead. Napakurap-kurap ako at nahihiyang nagyuko. Pinag-initan ako ng pisngi. Everytime na aalis siya ay hindi niya kinakalimutang halikan ang noo ko. And Nanay Moire always witnessed that. She just grinned and whistled.
Ilang buwan na rin ang lumipas. Nakapag-inquire na rin ako para sa scholarship ng Stanford. I did all the requirements. Ang hinihintay ko na lamang ay ang resulta. I'm praying hard na sana mapili kahit imposibleng isipin.
Wala ang nanny ni Xiency ngayong araw. Si Nanay Moire rin ay nasa ospital. Kaya kami lamang ni Cyrill ang naiwan dahil walang pasok sila ngayon. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansing nakatitig sa akin si Cyrill.
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Novela JuvenilHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...