DepressedANG daming kompanya ang kumuha kay Jauncy para mag-endorse sa product nila. And the good thing is, they include me also for the endorsement as the partner of Jauncy.
Everytime I changed another outfit and another style of make-up, napapanganga na lang talaga ako sa repleksyon ng sarili ko. Yung pakiramdam na parang hindi mo na nakikilala ang sarili mo. Right now, I looked so girly and fierce, hindi sa pagmamayabang.
We endorse a make-up line. Napapangiwi pa ako minsan sa bawat paggamit ng wipes ng make-up artist para burahin na naman ang kolorete sa mukha ko tapos papalitan na naman. Kung nagsasalita pa siguro yung mukha ko, malamang su-surrender na ito.
Nagbihis na ako ng casual outfit nang sa wakas ay natapos na. May make-up pa sa mukha ko kaya naisipan kong magbihis muna bago burahin ito. Saka may mga hair clips pa ngang hindi ko pa pinapatanggal.
"'Ano ba 'yang suot mo? Sayang ang ka-sexy-han kung hindi rin naman nakikita ng iba. Ika nga nila, If God gave you curves, flaunt them," sabi ng hairstylist ko.
Then what should I do? Maging pornstar na lang para exposed na exposed?
Pinatanggal ko na yung hairclips at hinayaan na lang ang make-up sa mukha ko. Hindi rin naman full make-up, hindi rin naman minimal. Yung normal lang.
Ang sasakyan ko ang dala namin habang si Jauncy naman ang nagmamaneho. Napasandal ako sa backrest habang naalala ang sinabi sa akin ni Tita Aida. After all, parang si Jauncy pa rin naman ang owner ng sasakyang 'to. Pwede niya 'tong bawiin anytime dahil pera niya naman ang iginastos dito.
"Did your mom told you something?" I opened up.
Sandaling nilingon niya ako at agad na tumingin sa harapan.
"And what is it? Wala naman siyang nasabi sa akin."
"Uh, she said that it's better if we cancel our connection like being engaged. Tama rin naman siya. Nauubos lang ang pera mo dahil sa akin."
Hindi siya agad nakapagsalita. He's focus in driving na parang wala siyang narinig. Nagulat ako nang inihinto niya ang sasakyan sa gilid. Nilingon niya ako na salubong ang dalawang kilay.
"What is it again?" he seriously asked.
"Uhmm... 'yon nga. Halata namang narinig mo. Alam mo sa totoo lang, minsan nahihiya ako kapag ginagamit ko 'tong sasakyan. Kasi naiisip ko na ni piso ay wala akong ambag nito tapos ikaw yung nakagastos ng milyones," pag-amin ko.
"Kakausapin ko si Mama, Xierl. Bakit kailangan pang i-cancel? The only one that we should cancel is the exact date of our wedding. Dapat after graduation natin para memorable, right? Sabay tapos magtatapos tapos ikakasal na masaya. Isn't that perfect?"
Napalunok ako.
"Sure ka na ba talaga sa akin, Onse? Honestly, it's really obvious that I also like you. Kasi 'di ba, bakit hindi kita pinapatigil sa panliligaw sa akin kung ayaw ko? Pero I'm not saying this to discourage you, but I'm not quite sure that you're the one. Ayoko pa kasi umasa na tayo pa rin sa huli kasi hindi natin alam ang takbo ng panahon. Realtalk lang."
He heaved a deep sigh.
"You're good in hurting me, huh? I don't want that kind of opinion of yours. But yes, you're somehow had a point. When we think about reality, there's actually no assurance for everything. But the fact that you said that you're not sure if I'm the one really bothered me. Yes, we don't know what will happen in the future. But Xierl, everything depends to us. Tayo ang gumagawa para sa sarili nating hinaharap."
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Novela JuvenilHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...