06

119 6 0
                                    


Prank

NAGTATAKA akong napatingin kay Jauncy. Nagising ako at pagpasok ko sa kusina ay bumungad sa akin ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakaupo na rin si Jauncy pero hindi pa kumakain dahil wala pa namang lamang pagkain ang pinggan na nasa direksiyon niya.



"Si Aling Elda ang nagluto ng mga 'to?"



"Ako lang dahil umuwi muna sa kanila si Aling Elda dahil nagkasakit ang asawa niya," malamyos niyang sagot.



"Seryoso? Allowed rin ba akong makikain sa mga luto mo?"



"Of course. Just a simple thank you for taking care of me last night."



My heart warmed. Akala ko pa naman ay hindi niya naaalala. May kabutihan rin palang natitira sa puso niya.



Naupo na ako sa upuang nasa harap niya. Ang aga niya sigurong nagising para lutuin lang ang mga ito. Hindi ko alam na ang isang mayamang katulad niya ay marunong rin palang magluto. Well, sa pagkakaalam ko ay hindi marunong si Ayen.



Sinaway niya ako nang padiretso lamang akong kumain. Namangha ako habang pinagmamasdan siyang nanalangin. Oh, may pagka-religious rin pala. Napansin ko ring hindi siya nag-sign of the cross.



"Anong religion ka? By the way, CBC ako," banggit ko.



"Born Again," tipid niyang sagot.



"Hindi ba ang schedule ng pagsimba kapag Born Again ay sa linggo rin?" nagtatakang tanong ko.



"Yeah. Why?"



"Bakit yung parents mo–"



"Well, ako lang naman ang may ibang relihiyon sa amin. I mean, nasanay na akong magsimba sa Born Again. Though, the religion that was written in my birth certificate is Catholic."



"Okay. Gano'n pala."



We stopped talking and concentrated in eating. Nagmamadali akong naligo at nagbihis, not minding my messy hair. As what we talked about, ako yung nagmamaneho at naunang hinatid siya.



Pagdating ng hapon, naging maaga ang dismissal namin. Kaya agad akong dumiretso sa parking lot kina Jauncy. Medyo natagalan ako sa paghihintay ng tawag niya. I tried to save his number that was evident in the recent call.



Sinubukan ko rin siyang tawagan. Bigla akong napahugot ng malalim na hininga nang agad niyang sinagot.



"Hey? Papunta ka na?" bungad niyang banggit.



"Ah e kasi... kanina pa ako nandito sa parking–"



"Oh, sorry for making you wait!" he cut me off.



Napataas ako ng kilay nang marinig na nagpapaalam siya sa isang babae. Who was that? His secret girlfriend? Maybe. Who knows?



Hinihingal siyang naupo sa passenger seat. I gave him a suspicious look.



"Is your quick time with your girlfriend made you somehow happy?" I asked in a hard tone.



He stared at me curiously. Parang hindi niya naiintindihan ang pinapahiwatig ko.



"Never mind."



"Who? Sinong girlfriend ko?" naguguluhan niyang tanong.



Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now