PowerHINDI ko pinansin si Jauncy paggising ko. Mas nauna pa kasi siyang nagising sa akin. He was holding his head while watching me.
"Uh, what happened last night?"
Napaubo ako. Tinanong niya dapat kung ano ang kagaguhang ginawa niya kagabi. Hanggang ngayon ay lumulutang pa rin talaga sa isipan ko ang biglaang paghalik niya sa akin.
Padabog akong lumabas ng kwarto. Kahit saan ako napapatingin ay ang paghahalikan talaga namin ang palagi kong nakikita. Napahilot na lamang ako sa sentido. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa isang kagaguhang pangyayari.
Hindi na ako nag-umagahan. Tanging slice bread at kape lamang ay medyo busog na ako. Saka hindi ako nakaramdam ng pagkagutom.
"Can I have a favor?"
Naiilang akong napatingin kay Jauncy. Anong pabor kaya? Wala ba talaga siyang maalala? He should be sorry of being a jerk last night.
"Ano?!" masungit kong tanong.
His forehead creased while massaging his temple. Hangover pa more. Don't tell me naglalasingan silang dalawa ni Jewell? Sana kasi at ngayon na lang siya umuwi na kung saan ay sober na siya. Wala na dapat akong poproblemahin.
"Can you make a soup for me? May hangover pa kasi ako..."
Pinanlisikan ko siya ng mga mata. May kamay naman siya kaya dapat siya na lang ang gumawa. Kamay at mata lang naman ang gagamitin. At hindi ako si Aling Elda. Wala na kaming katulong dito.
"Pagod ako, ikaw na lang kaya? Kaya nga hindi na ako kumain dahil pagod akong kumilos."
Nag-netflix ako hanggang lunch time. Kumain lamang ako ng rice at sinabawan ng konting kape. May sobra pa naman sa iniluto niyang ulam pero wala akong gana.
"Onse, pwede bang magpapapunta ako dito? Just a dear friend. Yung si Cyrill lang."
"Sure," malamig niyang tugon.
Agad kong tinawagan si Cyrill. Ilang beses pa itong tumanggi dahil ang weird daw isipin na nandito rin ang fiancé ko. At baka maging third wheel lamang siya.
"Mabuti naman at napapayag kita," I said to Cyrill as I opened the door.
He roamed his eyes inside.
"Malaki-laki pala 'tong condo niyo. Uh, saan yung fiancé mo?" he asked awkwardly.
"Nasa kwarto. Besides, aalis na rin kami dito sa biyernes dahil may sarili na kaming bahay."
"You what?" gulat na tanong nito.
"May bahay na kami. It was bought by Jauncy's father."
"Bigatin talaga..."
Mabuti naman at nagdala ng baraha si Cyrill kaya may libangan kaming dalawa. Malakas ang naging tawanan namin. Sabay kaming natahimik sa biglang pagsulpot ni Jauncy. He was crossing his arms over his chest while staring at us.
"Hey bro! Wassup?" ani Cyrill.
"Great that an outsider came over here."
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Fiksi RemajaHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...