InsecureTITA Aida invited us to pay a visit to their mansion. Wala siyang sinabi kung anong araw kaya binalewala na lang muna namin.
"Saan ka na naman? Tatakas na naman ba at makikipagkita sa kaibigan mong may pagnanasa sa'yo?"
Sinamaan ko ng tingin si Jauncy at agad na nag-flying kick sa mukha niya ang suot kong tsinelas. Pinagbabato ko na rin siya ng throw pillow. Nakakainis. Pinapaalala na naman. Though I know, he's just joking. He's good with it naman na minsan ay pumupunta ako kina Cyrill. Pero minsan rin ay gusto niya talagang sumama.
Besides, nag-sorry na sa akin si Cyrill. Nagkaroon na nga lang ng ilangan sa aming dalawa. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para mabalik ang pagiging malapit namin sa isa't-isa gaya ng dati. Well, subukan lang akong halikan muli ng kupag na Cyrill na 'yon, aware na siyang lilipad talaga siya hanggang Mindanao.
"Ang tigas ng ulo mo. You'll gonna leave huh? Really, Xierl?"
Nagmamadali akong lumabas ng bahay nang magsimulang humakbang papalapit sa akin si Jauncy. Sinenyasan niya ang tatlong guards at agad akong hinabol ng mga ito. Namilog ang mga mata ko sa pagkagulat. Ang unfair, sobra. Sa kanya lang nakikinig ang mga guards.
Nahawakan ako ng isa at sa sobrang pag-panic ay natuhod ko ang mukha nito. Tuluyan na akong nakalagpas sa gate. Tumakbo ako palayo ng ilang segundo at agad na nagpara ng taxi nang may dumaan. I hate him! Nanakawan niya lang kasi ako ng halik kapag magpapaalam na pupuntahan si Cyrill. At kapag nahalikan niya na ako ay itataboy niya ako sabay sabing, puntahan mo na best friend mo. Ang tanga lang.
Itinaas ko ang gitnang daliri ko at nakangisi ng malaki.
Naghintay ako kay Cyrill dahil pagdating ko sa bahay nila ay si Ate Shiatz lamang ang nakikita ko. May pinuntahan pa raw kasi ang kumag. Pero agad rin naman daw uuwi 'yon.
Ang tanong, saan na? Kanina pa ako naghihintay. Mas nauna pa ngang nakauwi sila Mama Jenecy. Kaya nagtataka na talaga ako kung saan nga ba si Cyrill. Hindi rin naman siguro 'yon nag-go-grocery dahil ang dami pa ngang laman ng fridge nila at mga pang-ingredients sa kusina.
"Ma, si Cyrilll ba't wala pa?"
"Ewan ko sa batang 'yon. Sa pagkakaalam ko ay pupunta siya sa tattoo shop. Nagpaalam kasi sa akin 'yon kahapon na magpapa-tattoo. E, gusto niya naman kaya pumayag na ako. Ang mahalaga ay hindi siya gumagawa ng masama."
My heart melted. That's what I want to hear from my parents. No need to stigmatize anything. But sadly, they always want the best. They always want me to achieve their expectations. But I end up being a disappointment.
"Wow. Sana all pinayagan. Ako nga rin, matagal ko nang gustong magpalagay ng tattoo. Pero nga lang natatakot ako, Ma. I always heard na yung mga babaeng mga may tattoo daw ay karamihan mga pokpok. And surely, my parents will just be mad again..."
"Hija, hindi naman porke't may tattoo ang isang babae ay hindi na agad kagalang-galang. I'm not encouraging you to have a tattoo but I don't like those people who discriminate someone who have marks in the skin. I respect them if they'll say that someone's tattoo is a bit disturbing. Well, opinyon na rin naman nila 'yon. Pero yung i-down nila ang isang tao dahil lang sa tattoo'ng 'yan ay hindi okay. It's just an ink but not the whole character of that particular person."
Ito yung nagustuhan ko kay Mama Jenecy. Nakakausap ko kasi siya ng maayos at komportable. She's so open-minded. Kapag magkausap kami ay para lamang kaming magkaibigan. She's also approachable. Lahat ng gusto ng mga anak niya ay sinuportahan niya pero hindi naman ini-spoil.
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Novela JuvenilHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...