Prologue

781 235 179
                                    

Isang buwan nang sarado ang bintana ko sa kanan kung saan ko siya palaging nakikita.

Kung saan ko palaging nakikita na nakangiti siya.

At habang nakangiti siya ay andiyan ako, nakatingin sa kaniya habang nasasaktan.

Pagod na ako!

I'm so tired of chasing him.

Pagod na akong habulin ang taong gusto ko na hanggang kaibigan lang ang turing sa'kin.

Pagod na akong masaktan sa parehong tao,

At lalong mas pagod akong masaktan sa parehong dahilan.

Napapagod din ako!

Tanging ang bintana ko nalang sa harapan ko kung saan nakalagay ang study desk ko ang binubuksan ko.

Doon makikita mo ang bawat pagpatak ng ulan, makikita mo ang sinag ng araw at ang mga ngiti ng mga taong dumadaan sa bahay.

Pero kapag tumitingin ako sa kanan, isang tao lang ang nakikita ko.

Malakas ang pagbuhos ng ulan ngayon sa hindi malamang dahilan.

Walang masyadong mga bata ang naglalaro dahil medyo may kalakasan ang ulan.

Nakaupo lang ako sa kama ko habang nakatingin sa harap.

"Masaya sana tayong naliligo sa labas ngayon,"

Tinititigan ko ang bawat buhos ng ulan sa bintana ko.

Iniisip ko if kaya ko ba?

Can I let him go?

Can I let go of those memories?

Kaya ko ba?

Sa tuwing maalala ko ang mga masasaya naming alaala ay hindi ko mapigilang umiyak.

Sa tuwing makikita ko ang singsing na suot ko na tanda ng aming mga pangako para sa isa't isa ay parang di ko kayang iwan siya.

Naglakad ako papuntang study desk ko para buksan ang laptop ko.

Hindi para mag-aral kundi para tignan muli ang aming mga larawan at video.

Nakangiti ako habang pumapatak ang mga luha ko sa panonood ng mga video at larawan namin.

"Ang cute mo" saad niya at pinisil ang pisngi ko.

Napangiti ako sa video at ganoon din siya.

"Oh! Baka gusto mo na ako?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Mahiya ka nga Beatriz!"

Hindi ko napigilan ang sariling ngumiti habang pinapanood ang videong iyon habang pinapahiran ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata.

"Da...dave" hindi makapaniwalang saad ko.

Napatingin ako sa labas ng bahay at nakita ko siyang tinititigan ang bintana sa kwarto ko.

Basa na siya ng ulan. Magkakasakit siya niyan!

Natatakpan man ng ulan ang mga luha niya pero alam kong umiiyak siya.

"Belle..." Mahinahong saad ni mama pagkapasok niya ng kwarto ko.

"Ma...." Pagkita ko kay mama ay agad na bumuhos ang mga luha ko kasabay ang pagbuhos ng ulan.

"Gusto mo siyang kausapin? Papapasukin ko ba?" Tanong ni mama.

"Pagod ako ma...pagod na pagod..." Yun nalang ang tanging nasabi ko habang nakayakap kay mama.

"Kausapin mo siya, para makawala ka na sa sakit" pagpayo ni mama habang inaayos ang buhok ko.

"Ayoko ma..."saad ko.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon