MVEN-52

59 18 3
                                    

(Play the music entitled Till my Heartaches End while reading this chapter para feel.)

****

"Gising na si Dave!"

It's been 1 whole month after the said accident. One whole month of not having him beside me made my life incomplete. I did undergo to chemotherapy and according to Lex my body is recovering. Kinakaya ng katawan ko ang chemo and there's a huge possibility na malalabanan ko 'tong sakit na 'to.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko ng marinig ko ang balita mula kay Mitch. Parang biglang nabuhayan ang mundo kong napapagod na. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na naman ulit napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Gising na ang asawa ko!

"Inilipat na siya ngayon sa bagong room and we decided na sa bakanteng room nalang katabi nang kwarto mo para malapit lang siya sa'yo" ani ni Mitch.

"Can I see him already?" Tanong ko.

"Hintayin muna natin ang heads-up mula kay Lex, doc" sagot niya.

Ngayong alam ko na gising na si Dave parang nawalan ng malaking tinik ang puso ko ng makaramdam ako ng saya. Now, there's hope that we can still enjoy our life as a married couple. I'm on my recovery stage and I'm doing good according to Lex kaya may pag-asa pa akong mabuhay, at ngayon, gising na din ang asawa ko.

"Belle, you can now see him."

Parang sasabog sa tuwa ang puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Lex. Inalalayan ulit nila ako na umupo sa wheelchair para mas madaling makapunta kay Dave.

We stopped at the front of Dave's door dahil mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Lex. Puno ng kaba ang nararamdaman ko kasi baka posibleng makalimutan niya ang mga bagay na nangyari sa nakaraan. Baka makalimutan niya ako, at ang mga alaala naming dalawa.

"He's fine. There's nothing to worry about Belle" pag-aassure ni Lex sa'kin.

Nang buksan ni Lex ang pinto ay parang biglang bumagal ang mundo ng dahan-dahan kong nakita kung paano dumaan ang ngiti sa mga labi ng asawa ko kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.

As I see those tears streaming down from his face I can't stop my tears anymore, sabay-sabay ng umagos ang mga luha ko habang papalapit ako sa kaniya.

"Asawa ko..."

I badly want to hug him when I heard him calling me. Gusto ko siyang mayakap pero hindi pa pwede, marami pang pasa ang mga katawan niya kaya hindi pa siya maaaring yakapin.

"Asawa ko, namiss kita..."

'Yan ang tangi kong nasabi ng mapalapit ako sa kaniya. Nakiusap muna ako kay Lex na iwan muna kami para makapag-usap kami ni Dave.

"Asawa ko, patawarin mo 'ko kung hindi ako nakabalik noong umagang hinihintay mo ako. Paumanhin kung pinaghintay kita."

Mahina ang pagkakasabi niya ng mga salitang 'yon pero tumagos ang mga salitang iyon sa puso ko. I remembered that morning kung kailan ko siya hinanap, noong mga araw na hinanap ko ang pag-aalaga niya. I'm afraid to face that day again.

"Huwag mo ng isipin 'yon. Ang importante ay okay ka na. You're awake, and I have a good news to you." Nakangiting saad ko.

"What is it hon?" Tanong niya sa'kin.

"Malapit na akong gumaling! Lumalaban ako because of you, our plans, and for our future."

Nakita ko ulit na biglang tumulo ang mga luha niya ng marinig ang sinabi ko habang nakangiti. I don't know if it's tears of joy or if something deeper than that.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon