"Let's all welcome, Dr. Isabel Beatriz Reyes, our new cardiologist from Canada,"
Everyone inside the board room clap their hands as they welcome me here in Rodriguez Hospital.
"It's a pleasure to meet new professionals again," nakangiting saad ko.
"It's our pleasure to have you as our doctor, Dr. Reyes," saad ni Dr. Rodriguez, ang anak ng may-ari.
Nginitian ko siya at ganoon din sa lahat ng mga nasa board room. Sari-sari ang nasa loob ng kwarto na 'yon, merong mga doctor at nurses. I signed as a resident doctor, so as expected dito ako titira sa hospital kahit may condo naman ako malapit dito, hassle lang kasi kapag uuwi pa ako sa bahay o sa condo after a long day of working.
"Meeting adjourned," saad ni Dr. Rodriguez.
Nagsitayuan na ang lahat at nagsilabasan ng board room. Lumabas narin ako para pumunta sa panibago kong opisina. I can feel that marami ang tumitingin sa'kin habang naglalakad ako sa hallway while wearing my white coat and a black dress ended inches above my knees and a pair of silver YSL heels.
"Dr. Reyes?"
Napatingin ako sa likuran ng may marinig akong lalaki na tumawag sa'kin.
"You're calling for my attention?" Tanong ko sa kaniya ng makita ko siyang naglalakad papunta sa'kin.
"Yes," saad niya.
Kasama din siya sa board meeting kanina, I just forgot his name, but I'm sure that he's a doctor also. He's wearing a simple short sleeves polo with two bottons open, a jeans, a pair of leather shoes and his white coat in.
"You're from Canada right?" Tanong niya.
"Uhm, yes, why?" Nagtatakang saad ko.
"Dr. Navarro,"
A smile showed on his face while he offered his hand.
"Nice meeting you, Dr. Navarro, again,
Dr. Reyes," I accepted his hand but after a few seconds kinuha ko rin ang kamay ko."Okay, hope on working with you, Doc," he smiled again.
"Same thoughts with you, Doc." Sagot ko and I smiled at him also.
"I hope that you can enjoy your first day, bye" saad niya.
"Bye," Sagot ko bago siya tinalikuran at dumeritso sa opisina ko.
Pagpasok ko sa opisina ko ay andoon na ang mga gamit ko dahil inayos ko na 'to noong isang araw pa, kaya maganda ng tignan ang opisina ko.
Ilang linggo na nga simula noong umuwi ako dito? Dalawa o tatlo? Parang tatlong linggo na ata, tatlong linggo palang ang nakakalipas pero miss na miss ko na si ate.
Dahil hindi pa naman ako tumanggap ng pasyente sa ngayon ay doon lang ako sa loob ng opisina ko at nagsoscroll sa social media.
Simula pa noong isang linggo ay panay text na sina Lexess, Kevin, George, Marie, Christian, at ang iba ko pang mga kaklase noong highschool na magkita-kita daw kami kasi nakauwi na ako pero ang sabi ko ay sa mga susunod na buwan nalang, busy pa ako.
Nang mabored kakascroll ay naisipan kong manood nalang ng Hollywood movie ara malibang naman ako dito sa loob ng opisina ko. Nang bandang kalagitnaan na ako ay may biglang kumatok sa pintuan ng opisina ko.
"Come in," utos ko.
Biglang pumasok ang isang babaeng doctor na nakasuot ng white coat, at simpleng jeans at shirt. She's beautiful.
"Uhm, hi. Ikaw ba talaga ang bagong doctor from Canada?" Tanong niya habang nakatayo.
"Yes. Have a seat first," alok ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...