MVEN-4

178 145 48
                                    

"Sino yun?" Tanong ko kay David nang makitang may kausap siya na lalaki.

Gwapo kasi!

"Sino?" Tanong niya rin sa'kin.

"Malamang yung kausap mo, tanga!" Saad ko at agad siyang binatukan.

"Aray ko naman Beatriz!" Naiinis na sagot niya.

"Sino nga yun?" Tanong ko sa kaniya ulit.

"Bakit ba?" Tanong niya rin sa'kin.

Ang galing kausap nitong taong to.

"Tinatanong ka nga, tapos tatanungin mo rin ako pabalik," singhal ko sa kaniya.

"Tinatanong ko nga kung bakit mo tinatanong," sagot niya sa'kin.

"Dapat ako muna ang sagutin mo kasi ako ang unang nagtanong," naiinis na sabi ko.

Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan niya ako.

"Oh? Bakit? Ano na naman ang nakita mo sa'kin?" Supladang tanong ko sa kaniya.

"Ang harot mo!" Sabi niya pinitik ang noo ko. "Porket gwapo, anong pangalan agad?" Dagdag niya.

Kaibigan ko nga siya. Kilalang kilala ako ng engkantong to eh.

"Hindi ba pwedeng nagtatanong lang? Ang judgemental mo!" Pangbibintang ko sa kaniya.

"Oh! Bakit? Hindi totoo? Diba auto-turn on ka kasi gwapo. Naku! Kilalang kilala kita uy!" Saad niya.

Luh?

"Sige na! Ano na kasi ang pangalan niya?" Pangungulit ko sa kaniya.

"Huwag kang pumatol sa bata, child abuse yan" babala niya sa'kin.

Luh? Child abuse agad?

"Ano naba ang year no'n?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi.

Kakagaling lang namin sa library pero nadaanan niya yung gwapo tapos nag-usap sila kaya ayun, baka mabingwit ko yun! Charott!

"Second year," sagot niya.

"Second year naman na pala eh! Makasabi ka nang child abuse akala mo grade five yung tao tapos college na ako!" Saad ko kaya napatingin agad siya sa'kin habang tumatawa.

"Ikaw! Atat na atat ka talagang magkajowa eh no!" Pangju-judge niya ulit sa'kin.

"Luh? Di ba pwedeng friendly lang ako?" Pagdedepensa ko sa sarili.

"Friendly? Sa suplada mong yan, friendly?" Pang-iinsulto niya sa'kin.

"Mabait ako no!" Naiinis na sagot ko.

Bakit ayaw niya bang sabihin ang pangalan nang tao. Ano bang masama doon.

"Saang banda nang katauhan mo ang mabait, Beatriz?" Tanong niya at tinuro ako.

"Ang sama mo!" Saad ko at tinalikuran ko na siya.

"Ang sama mo rin!" Sigaw niya habang tumatawa.

"Ang sama-sama mo!"sigaw ko rin sa kaniya.

Medyo nakakalayo na ako sa kaniya pero rinig na rinig ko parin ang nakakairitang tawa niya.

"Pareho tayong masam uy! Huwag kang magmalinis!" Sigaw niya habang tumatawa parin.

Pinipilit ko nalang talaga ang sarili ko na hindi mahawa sa tawa niya.

Tinalikuran ko siya at naglakad na paalis.

"Belle! Inhale! Exhale!" Pagrerelax ko sa sarili kasi bigla akong matawa, magiging epic na naman tung emote ko.

Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni mama nang halik kaya hinalikan ko rin siya pabalik.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon