"Belle gising na!"
"Beatriz gising!"
"Isabel!!!" Katok nang engkanto kong kapitbahay sa bintana ko.
Hindi ko alam pero ang aga-aga parang bigla akong na high blood dahil sinira niya na naman ang panaginip ko.
Panira talaga tung engkanto na to!
Napatayo kaagad ako sa kama ko at inip na inip na binuksan ang kanan kung bintana.
"Ano ba David! Ang aga oh!" Naiiritang saad ko.
Bagong ligo na siya. Nakasuot siya ng sando at slocks.
Pormado ata ngayon si pangit.
Naks may lakad!
"Tanga! Gising na may klase tayo uy!" Saad niya at binato ako ng papel.
"Aray ko! Bakasyon palang uy...excited ka?" Galit na saad ko.
"Anong bakasyon ang pinagsasabi mo? Extended ba utak mo? Maligo ka na dyan, malelate na tayo!" Saad niya at tinalikuran na ako.
Hala!
Anong petsa na ba!
Dali-dali kong tinignan ang kalendaryo para i check kung totoo ang sinabi niya.
"Puchaaaa! Totoo nga!" Nagmadali kong kinuha ang tuwalya ko at dumeritso na sa cr.
Dali-dali akong nagshampoo at nagsipilyo.
Paglabas ko ng banyo ay may naapakan ako na naging dahilan para madulas ako.
"Aray ko!" Sigaw ko habang hinahawakan ang bewang sa sakit.
Si David kasi eh!
Di manlang ako niremind kahapon!
Parang bobo.
Nagbihis na ako ng uniform namin at dali-dali kong sinuot ang sapatos ko.
"Ma! Alis na ako!" Sigaw ko, habang nagmamadaling bumaba ng hagdan bitbit ang mga gamit ko.
"Naku! Kumain ka muna!" Saad ni mama.
Kumagat lang ako sa tinapay at uminom ng kunting gatas at nagpaalam nang umalis.
"Tayo na!" Saad ko paglabas ko ng bahay.
"Ang tagal mo Belle, kanina pa'ko naghihintay dito oh" sabi niya habang nakasandal sa pader ng bahay.
"Aba nadulas na nga ako sa sobrang pagmamadali ko...eh tanga ka ba't di mo'ko sinabihan kagabi!" Saad ko at binatukan siya.
"Aray ko! Bakit parang kasalanan ko pa! Ikaw na nga 'tong ginising eh!" Saad niya at nagmadaling umalis.
Siya si David. My childhood bestfriend. Parang kapatid ganoon. Our frienship started with our parents. Both of our moms are bestfriends since highschool kaya hanggang sa magkaanak sila ay magkaibigan parin sila...ayan tuloy naging kaibigan at kapitbahay ko pa ang tangang 'to.
"Hintayin mo naman ako!" Sigaw ko dahi medyo malayo na siya sa'kin.
"Aba! Bilisan mo! Hindi ang oras ang mag-aadjust uy!" Naiiritang saad niya habang nakatingin sa'kin.
"Sandali lang naman sir, mahina ang kalaban" saad ko at naglakad papunta sa kaniya.
Napabuntong hininga siya at napakamot sa ulo.
Aba! Masakit bewang ko uy!
"Disable ka ba? Subukan mo ngang tumakbo" utos pa ng bobo sa'kin.
Abay sinong tao ang nakikitang naghihirap na nga ako sa paglalakad, patatakbuhin pa ako!
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...