"Hello Lex? Napatawag ka?"
I was just watching a movie here at my condo when I received a call from Lexess. Napaaga kasi ang uwi ko kanina kaya andito ako ngayon sa condo.
[Why did you call me?]
Agad akong napakunot ng marinig ko ang boses ni Dave mula sa kabilang linya halatang kakarating lang.
"Lex, what's happening?" Tanong ko.
Walang sumagot sa akin pero imbis na patayin ko ang tawag ay mas pinili komg makinig sa mga susunof na scenario.
[Inom ka muna] rinig ko ang boses ni Lexess na inaya si Dave.
[Hindi ako pwede ngayon, may operation pa ako mamayang umaga] sagot naman ni Dave.
Anong nangyayari?!
[Bakit mo ako pinapunta dito?] Tanong ni Dave.
[Hm...you're dating each other, right?]
Mas lalo akong nagtaka sa sinagot ni Lexess kay David. How did he knew?
[You two are dating. Akala mo di ko alam yun Dave, well alam ko, kahit anong tago niyo, nararamdaman ko] saad ni Lexess.
Nakarinig ako ng pagbukas ng bote siguro ay nag-inoman silang dalawa, pero alam kong hindi sila maglalasing kasi may trabaho pa silang dalawa bukas.
[Tangina Dave. Bitawan mo na kasi siya. Ako na ang narito eh. Ibigay mo nalang siya sakin. Dave nagmamakaawa na ako sayo. Just live your life, and let us live our life together]
Hindi ko maiwasang maawa nang marinig ko ang galit, at sakit mula sa boses ni Lexess.
[How can I let go the woman that I am with almost half of my existence? Paano ko maiiwasan ang babaeng minahal ko at patuloy kong minamahal? Sabihin mo nga Lex, paano ko makakalimutan si Belle na kahit saang dako man ng mundo ako mapunta siya ang nasa isip ko. How can I let go the woman who owned my world?]
[Noong mga panahong umiiyak siya ng dahil sa'yo, asan ka? Noong mga panahong nagdurusa siya, asan ka? Noong mga panahong nasasaktan siya asan ka? Asan ka noong mga panahong nagkakasakit siya? Asan ka Dave? Wala ka! Wala ka, dahil iniwan mo siya tapos ngayon bigla kang babalik sa buhay niya na parang wala lang nangyari?]
Bawat salitang binibitawan nila ay ganoon din ang pagsikip ng puso ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa pero di ko alam kung bakit ganito ang pinag-uusapan nila.
[Andoon ka nga noong mga panahon na 'yon, pero nasaan ka noong mga panahong nadarapa si Belle? Asan ka noong mga panahong, ineenjoy niyang maglaro sa ilalim ng silak ng araw? Saan ka noong mga panahong nagkakasakit siya? Nasaan ka noong mga panahong umiiyak siya gabi-gabi? Nasaan ka noong mga panahong sinisisi niya ang sarili niya dahil sa mga nangayayari? Nasaan ka noong mga panahong walanv-wala siya? Nasaan ka? Wala ka doon Lex. Ako ang nandoon. Noong mga panahong walang wala siya nanatili ako. Nanatili ako sa kaniya]
Hearing those words from Dave made me remembered everything that happened from the past that made my tears fall down.
[Sinundan ko siya Lex. Hinanap ko siya. Pinuntahan ko ang ate niya at nagmakaawa na sabihin sa akin kung nasaan siya. Kaya sabihin mo sa akin, nasaan ka noong nakuha niya ang diploma niya? Nasaan ka noong mga panahong umaakyat siya sa stage para kunin ang award niya? Nasaan ka noong nakapagtapos siya ng med school? Nasaan ka when she got her license? Nasaan ka when she got her first job? Nasaan ka noonh mga huling araw niya sa Canada? Wala ka doon. Pero kahit hindi niya man ako nakita, andoon ako, pumapalakpak sa lahat ng mga narating niya. I was there all those time Lex. Talagang pumunta ako ng Canada just to watch her got her diploma. I was there, hindi ko siya iniwan, hindi ko siya binitawan.]
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...