MVEN-34

56 25 1
                                    

"Pres!"

Kakadating ko lang sa restaurant na sinabi sa'kin ni Lexess. Halos lahat nga sila nandito, at lahat kami ay mga professionals na. I'm so proud of them!

Kami lang ang nandito ngayon sa restaurant kasi pinasara nila just for this gathering.

"Pres, gumanda ka pa lalo,"puri ni George.

"Naku George, wala akong barya dito ngayon," pamimilosopo ko.

"Pwede din naman bank transfer eh," pagpapalusot niya.

"Naku George, di ka na talaga nagbago, mautak ka parin," saad ko.

"Kalma pres ako palang to, wala pa si Kevin," saad niya.

"Hoy lalaki ka! Nasa pintuan palang ako narinig ko na agad ang pangalan ko!" Sigaw ni Kevin na kakadating lang.

"Ang sabi ko kasi ang layo na ng narating mo, diba Pres, sino ba naman kasing mag-aakala na ang lalaking nanghihingi lang ng papel noon ay abogado na, diba?" Pagdadahilan ni George.

"Gago mo George...Hi pres! Musta Canada? Nahanapan mo ba ako do'n ng magandang doctor na Canadian?" Pagbibiro ni Kevin.

"Naku Kevin, hanggang ngayon babae parin ang nasa isip mo, di ka na nagbago...hanggang ngayon ba wala parin?" Tanong ko sa kaniya.

"Olats pres, hinihintay ko lang din ang taong para sa'kin, malay mo ikaw na 'yun, diba?" Pagbibiro niya.

"Haha...nakakatawa Kev," pang-iinsulto ko.

"Hoy ikaw George, tumawag inaanak ko sa'kin kanina nanghihingi ng birthday gift, ano na naman ang inutos mo don?" Naiinis na tanong ni Kevin kay George.

Si George kasi ay pamilyadong tao na. May isang anak na siya at asawa. Ninang din ako ng anak niya pero dahil nasa Canada ako noon, merong nag procsi nalang sa'kin.

"Pasalamat ka nga generalize ang hiningi niya sa'yo, ang utos ko sa kaniya ay humingi sa'yo ng 15,000 pesos pero ang hiningi niya lang basta birthday gift," saad ni George.

"Wow, George. Thank you ha...anong sa tingin mo sa'king hayop ka, banko? Ikaw ang nagtatrabaho sa banko tapos sa'kin ka manghihingi, ang galing!" Sagot ni Kevin.

"Ewan ko sa inyong dalawa...nasaan na pala ang inaanak ko na 'yon? Papuntahin mo sa susunod sa hospital ha, treat ko siya," saad ko.

"Nasa bahay siya ngayon, pero alam na niya na umuwi ka na, excited nga siyang makita ka eh kaya makakarating sa kaniya ang sinabi mo pres," saad ni George.

I excuse myself para makapag-away silang dalawa privately. Naglakad ako papunta sa iba kong mga kaklase para makachika.

"Pres!" Tawag ni Kate sa'kin bago ako niyakap ng mahigpit.

"Kate! Uy congrats nga pala sa engagement mo ha," saad ko pagkatapos niyang bumitaw sa pagkayakap.

"Thank you pres, bridesmaid ka ha," saad niya.

"Oo ba, kailan ba?" Tanong ko.

"After 2 months pa pres, pero mabilis lang naman lumipas ang mga araw kaya malapit nalang pres," saad niya.

"Oh sige, congratulations again!" Saad ko bago nagpaalam sa kaniya para makiag-usap naman sa iba ko pang mga kaklase.

Naglakad ako papunta sa table ni Lexess at umupo ako sa tabi niya.

"Ang saya no? Ang dami ng narating nating lahat" saad ko.

"Oo nga eh. Akalain mo ang mga tarantading classmate natin na akala natin magiging criminal naging abogado" saad niya bago tumawa.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon