MVEN-29

78 32 4
                                    

"Sasamahan kita,"

Hindi ako papayag na mag-uusap lang silang dalawa ni Lexess ng wala ako doon.

Hindi ako papayag.

Wala pa naman akong tiwala sa lalaking 'yon.

Pagkatapos ng klase namin ngayong umaga ay binilisan ko ang pagligpit ng mga gamit ko at agad na umupo sa armchair ni Belle.

"Belle, let's talk,"

Napaangat ang tingin ko sa epal na lalaking nakatayo sa harapan ko habang pinapanuod si Belle na magligpit nang kaniyang mga gamit.

"Sasama ako," seryosong saad ko

Agad akong tinitigan ng masama ni Lexess na parang ayaw niya akong makita o makasama.

Ayaw ko rin naman sa'yo no!

Sadyang ayaw ko lang na mapalapit ka kay Belle!

"Hindi pwede," seryosong sagot ni Lexess.

"I didn't asked for your opinion,"

Tumayo ako at tinapatan siya para malaman niya na hindi siya ang desisyon. Pwede akong sumama kung gusto ko.

"Tayo na," aya ni Belle sa'kin

"Talagang sasama siya?" Seryosong tanong ni Lexess at tinuro si ako

"Yes." Determinadong sagot ni Belle

Wala nang nagawa si Lexess kundi ang bumuntong hininga.

Edi wala ka ngayon. Gusto akong sumama eh. Wala na ang plano mo kung may binabalak ka man.

Pumunta kami ngayon sa may gilid nang school kung saan merong mga mesa at upuan.

Dito niya pa talaga dadalhin si Belle kung saan madalang ang tao eh no? Ano ba talaga ang saabihin niya at kailangan dito pa dalhin si Belle.

Nakasuod lang ako sa likuran ni Belle para masiguradong ligtas at walang mangyayaring masama sa kaniya.

"Master!" Agad akong napatingin sa lalaking tumawag sa'kin.

"Oh! Chris!" Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko alam kung bakit andito siya.

Nakita ko kung paano napangiti si Belle ng makita ang crush niya.

Iba na ang nagpapasaya sa kaniya. Ako ang mga rason niyan noon eh, pero iba na ngayon.

"Hi, ate!" Masayang bati ni Chris kay Belle.

Kita ko kung paano nagbago ang ekspresiyon ni Belle ng tawagin siyang ate ni Chris.

Kung ako rin naman maiinis ako kapag tinawag akong kuya ng crush ko.

"Hi" maikling sagot ni Belle at ngumiti.

"Master, ate, kain tayo, libre ko" masayang aya niya.

Mabuti at dumating ka Chris, may rason na para hindi matuloy ang pag-uusapan ni Belle at Lexess.

"Dito nalang tayo kumain" pagsuggest ko, para makita ko parin si Belle if ever na hindi siya sasama.

"Huh? Master! Malayo ang kainan dito, at wala kang magagandang makikita," reklamo ni Chris.

Agad akong napatingin kay Belle ng marinig ang sinabi ni Chris. Alam kong mas lalong naiinis 'yon. Hindi ko alam kong tatawanan ko ba siya dahil sa reaksiyon niya o dahil sa hindi sinabing maganda siya.

Huwag kang mag-alala mahal, you'll always be perfect in my eyes.

"I mean is, maganda naman si ate, kaso taken ka na, diba ate?" Pag-explain ni Chris ng makitang naoffend bigla si Belle

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon