MVEN-22

67 57 0
                                    

"Congratulations, Belle"

Napatingin ako kay Dave nang bigla niya akong batiin. Kakatapos lang nang recognition namin at ako na naman ang top one nang star section.

"Thank you. Congratulations din," nakangiting bati ko.

He smiled at me before before walking away. Masasabi ko na ilang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyari sa rooftop at ilang araw narin na iniiwasan namin ang isa't isa.

Hindi na kami sabay pumupunta nang school pero nararamdaman ko palagi na sumusunod lang siya sa likuran ko, hindi na kami sabay kumakain nang lunch, pero sabay parin kaming umuuwi hindi nga lang kami nag-uusap. Hindi ko na rin siya naririnig na kinakantahan ako. Nakasarado lang ang bintana naming dalawa at wala na kaming kwentuhan tuwing gabi. Masakit man para sa'kin na ang kaibigan mo na itinuring mong sa'yo na minahal mo ay parang babalik lang kayo na parang magkakilala lang kayo.

Parang isang iglap lang ay nawala ang lahat. Parang nagbago na ang lahat. Siguro pineprepare lang ako nang Diyos para sa mga mangyayari sa mga susunod na bukas.

"Congrats, Belle," saad ni Lexess.

"Thank you Lex. Congratulations din," saad ko.

"Kain tayo?" Aya niya sa'kin.

"Sandali lang magpapaalam lang ako," saad ko.

Agad akong naglakad papunta kay mama at papa na kausap si tita Agnes.

"Ma, pa, kakain lang po kami nang kaibigan ko," paalam ko sa kanila.

"Oh sige anak, basta umuwi ka nang maaga mamaya ha, may kunting celebration tayo mamaya," saad ni mama.

"Okay po," saad ko bago naglakad pabalik kay Lexess.

"Tara na," saad ko.

"Tara!" Masayang sabi niya.

Nag-aya pa kami nang iba naming kaklase bago kami pumunta sa isang kainan sa labas nang campus. Mga sampu kami ngayon.

Maingay kaming naglalakad dahil umaandar na naman ang bunganga ni Kevin, George at Marie. Nag-aaway away sila ngayon, dahil iniisip nila kung sino daw ba ang unang inalok ko na sumama sa'min. Ewan ko ba sa kanila. Simpleng bagay pag-aawayan nila.

"Ako kasi ang nauna. Sinabihan ako ni pres, na halika na Kev," pagtatanggol ni Kevin sa sarili.

"Hindi ka tinawag ni pres, tanga. Ang sabi niya lang halina kayo, eh ako ang malapit sa kaniya, edi ako," saad naman ni George.

"Mga bobo kayo! Sa akin nakatingin kanina si pres, kaya ako ang nauna," saad naman ni Marie.

"Tama niyo na nga yan!" Pagsuway ko sa kanila.

"Eh sino ba kasi ang nauna pres?" Sabay nilang tanong at tinitigan ako.

"Si Peter!" Sagot ko.

Napatahimik nalang sila at nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa kakainan namin. Pagdating namin sa isang restaurant ay agad kaming nag-order. Habang hinihintay namin ang order namin ay nagkwentuhan muna kami tungkol sa mga gusto namin sa kinabukasan.

"Pres, magdo-doctor ka talaga?" Tanong ni Kevin.

"Oo, sigurado na ako doon. Ikaw?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako, gusto ko yong nasa korte," saad niya.

"Auh, yung kriminal" saad ni George kaya agad kaming nagtawanan.

"Grabi ka, hindi ba pwedeng biktima,"saad niya.

"Hindi bagay sa'yo." Sagot ni Marie.

"Aray. Pero ako gusto ko maging abogado," saad ni Kevin.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon