Natulog ako nang mahimbing nang gabing 'yon at doon naman natulog si David sa kwarto ni kuya dahil naglaro pa sila nang online games.
Ang himbing nga nang tulog ko kasi ang ganda nang panaginip ko, ikaw ba naman mapanaginipan mo na nag-uusap kayo nang crush mo, malamang ayaw mo nang gumising.
Nagising ako nang maramdamang may binti na pumatong sa likuran ko at may yumakap na sa'kin.
Agad kong iminulat ang mga mata ko para tignan kung sino 'yon, pero tila binangungunot ako sa nakita ko pagkagising ko.
"Umalis ka nga, David!" Naiinis na sigaw ko.
Nakapikit ang mga mata niya pero alam kong gising siya.
"Hmm...inaantok pa ako," pagdadahilan niya.
"Ang bigat nang binti mo," pagrereklamo ko at pilit na kinukuha ang binti niya na nakapatong sa'kin.
"Wow ha. Nagreklamo ba ako kagabi nang ipatong mo ang binti mo sa tyan ko at tinulak tulak ako hanggang sa mahulog ako?" Singhal niya sa'kin.
"Kasalanan ko bang hindi ka nagreklamo?" Supladang sagot ko.
Tumayo na ako para maghilamos nang kunin na niya ang binting nakapatong sa'kin at ang pagyakap niya sa'kin.
Nasa loob ako ngayon nang cr habang naghihilamos nang bigla siyang sumandal sa may pintuan nang banyo. Napataas ang kilay ko habang nakakunot ang noo.
"Bakit na naman?" Tanong ko habang nagpupunas nang pisngi.
"Ang ganda siguro nang gising mo no?" Nakangiting saad niya.
Napakafeelingero ata natin ngayon sir.
"Bakit naman?" Supladang tanong ko.
"Akalain mo nagising ka tapos ganito ka gwapo ang katabi mo," proud na saad niya at tinuro pa ang sarili.
Ano bang kinain nito at biglang nagkaganito.
"Para lang malaman mo, itong araw na 'to ang pinakapangit na araw sa buhay ko, pinakapangit na umaga sa buong buhay ko," sagot ko sa kaniya. Nakita kong nag-iba ang ekspresiyon niya at bigla itong nainis.
"Grabi ka naman," medyo nasaktang saad niya.
"Kasi akalain mo ang ganda nang tulog ko, ang ganda nang panaginip ko, tapos paggising ko parang binangungunot ako, parang gusto ko nalang matulog sa buong buhay ko," dagdag ko para mas lalo siyang inisin.
"Ano ka si Sleeping Beauty na nakatulog tapos hindi na nagising? Ano may prince charming na darating para halikan ka? As if magkakaroon ka nang prince charming," pang-iinsulto niya niya sa'kin.
"Ay bakit hindi? Malay mo si Chris pala ang prince charming ko," nakangiting sagot ko at lumabas na nang banyo.
"Huwag kang assumera mars, masasaktan ka lang" paalala niya sa'kin.
"Assume ba yun? Hindi kaya, I'm just stating the future," sagot at umupo sa upuan sa may study desk ko.
"Ano ka Diyos? Na alam ang mangyayari sa future?" Tanong niya at umupo naman sa kama.
"Edi don't. Ang KJ mo talaga sa buhay ko," saad ko at tinarayan siya.
Narinig kong tumawa siya sa sinabi ko kaya tinitigan ko siya nang masama.
Bumaba na ako ngayon pata mag-almusal at sumunod na naman ang buntot ko. Pagkababa ko ay kumain lang ako nang tinapay at uminom nang gatas.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto para maligo at umuwi naman si Dave para maligo din.
Paglabas ko nang banyo ay nagsuot lang ako nang beige short at white t-shirt. Sinuklay ko ang buhok ko at lumabas na nang bahay dahil ang sabi ni Dave ay may pupuntahan kami.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...