"Let's talk," saad ni Lexess nang matapos ang klase ngayong hapon.
Inililigpit ko na ngayon ang mga gamit ko samantalang nakaupo naman sa armchair ko si Dave.
"Sasama ako," seryosong saad ni Dave.
Agad na nalipat ang tingin ni Lexess sa kaniya at tinaasan siya nang kilay.
"Hindi pwede," seryosong sagot ni Lexess.
"I didn't asked for your opinion," saad ni Dave at tumayo para tapatan ang lalaki.
Mas mataas nang kaunti si Dave kesa kay Lexess, pero mas gwapo si...Chris. Chos.
"Tayo na," aya ko sa kaniya at binitbit na ang bag.
"Talagang sasama siya?" Seryosong tanong ni Lexess at tinuro si Dave.
"Yes." Determinadong sagot ko.
Wala nang nagawa si Lexess kundi ang bumuntong hininga.
Pumunta kami ngayon sa may gilid nang school kung saan merong mga mesa at upuan.
Madalang lang ang mga taong pumupunta doon kasi puro puno lang at halaman ang makikita mo.
"Master!" Tawag nang isang tao kay Dave.
"Oh! Chris!" Gulat na saad ni Dave.
Andito na naman si crush.
Infaireness ang fresh niya.
"Hi, ate!" Masayang saad niya na ikinainit nang ulo ko.
"Hi" maikling sagot ko at ngumiti.
Nakatayo lang si Lexess sa gilid ko, hinihintay na matapos ang usapan naming tatlo.
"Master, ate, kain tayo, libre ko" masayang aya niya.
Kung di mo lang sana ako tinawag na ate sasama na ako. Chos.
"Dito nalang tayo kumain" pagsuggest ni Dave.
"Huh? Master! Malayo ang kainan dito, at wala kang magagandang makikita," reklamo ni Chris.
So hindi ako maganda? Luh? Ang sakit huh!
Napatingin si David sa'kin matapos marinig ang sinabi ni Chris.
"I mean is, maganda naman si ate, kaso taken ka na, diba ate?" Pag-explain niya.
Taken? Ako?
Mabuti ka pa alam mo na may jowa ako, samantalang ako mismo hindi informed.
"Hala, hindi ako taken, ano ka ba," tanggi ko.
"Talaga po? May nagsabi po kasi sa'kin na kayo daw po ni master eh" inubo ubo si David nang marinig ang sinabi ni Chris.
"Luh? Kami? Hindi no!" Agad agad na tanggi ko.
Yuck! Kadiri!
"Parang diring-diri ka talaga, Beatriz ha!" Na-offend na saad niya.
"Oo naman, ako magkakagusto sa engkantong katulad mo, hindi no!" Pang-iinsulto ko sa kaniya at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lexess sa tabi ko.
"May nakakatawa?" Galit na tanong ni Dave kay Lexess.
"Wala, bakit?" Tanong naman ni Lexess.
"Walang nakakatawa pero tumatawa, baka baliw ka!" Barumbadong sagot ni Dave.
Hindi na nakasagot si Lexess dahil tinitigan ko na ito nang masama.
"So, ano master? Halikana!" Aya sa kaniya ni Chris.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Ficção AdolescenteAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...