"Thank you for being with me, Lex"
Naglalakad kami ngayon pabalik sa classroom. As usual maraming mga estudyante and naglalakad at ang iba naman ay tumatakbo sa hallway.
"No, thank you. Thank you for letting me share my story to you without hearing any judgements" saad niya at ngumiti.
"You don't deserve to be judge. No one deserves to be judge"
Nang papasok na kami sa classroom ay nakasalubong namin si Dave na lalabas sana nang classroom pero napatigil nang makita ako na kasama si Lexess.
"K-kumain ka na, Belle?"
Tanong ni Dave habang matalim na nakatingin kay Lexess at inilipat ang tingin niya sa'kin.
"Oo," maikling sagot ko.
Tumango nalang siya kaya lalagpasan na sana namin siya nang hawakan niya ang kamay ko.
"Are you mad at me?"
Nagulat ako nang marinig ang tanong niya.
"No,"
"Then, bakit hindi ka sumama sa'kin maglunch?" tanong niya.
"I have my own reasons Dave," sagot ko.
Napatahimik siya sa sinabi ko at narinig ko ang buntong hininga niya.
"Okay, you have your own reasons, but I just want to say that..."
Napatigil siya sa sasabihin niya at napatingin sa sahig.
"That?" tanong ko.
"You look so happy and totally free when you're with Lexess,"
Agad niyang binitawan ang kamay ko at binigyan ako nang malungkot na ngiti tsaka umalis.
It left me speechless.
Masasabi ko na hindi kami nag-imikan ni Dave buong hapon. Pagkatapos nang klase namin ay agad na lumapit si Lexess sa'kin.
"Belle, kain tayo sa labas, libre kita," aya niya.
"Talaga? Sige sandali lang," sagot ko.
Agad akong lumapit kay Dave habang nagliligpit siya nang nga gamit niya.
"Dave? Sasabay ka sa'min?"
Agad na napatingin siya sa'kin habang nakakunot ang noo.
"Sa inyo?" tanong niya at inilipat ang tingin niya kay Lexess.
"Oo. Sasama ka?" tanong ko ulit.
"Uhmmm...ano kasi Belle eh...M-may aasikasuhin pa ako, mauna nalang kayo siguro," sagot niya.
"Okay," saad ko.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Lexess para umalis na kami. Pumunta kami sa labas nang canpus at tuwing hapon ay madaming nagbebenta nang mga street foods dito kaya marami ding mga estudyante.
"Anong gusto mo?" tanong ni Lexess.
Napaisip din ako kung ano ang kakainin ko habang nakatingin sa menu.
"Nagugutom ako kaya tapsilog ang oorderin ko, ikaw?" tanong niya ulit.
"Tapsilog nalang din," sagot ko.
Nag-order na siya nang dalawang tapsilog at tsaka coke daw.
Andito kami sa isang tapsilogan, at ang sabi nila masarap daw dito eh at dito daw si Lexess parating kumakain.
"Okay ka na?"
Napaangat ang tingin ko sa biglaang tanong ni Lexess.
"Hindi pa, pero susubukan ko," sagot ko.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Genç KurguAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...