MVEN-33

64 26 2
                                    

"Let's all welcome back Dr. Garcia."

Pinalakpakan ng lahat ng nasa board room si Dr. Garcia, and wala na akong nagawa kundi ang pumalakpak nalang din.

"For those who don't know him yet especially Dr. Reyes," saad ng director.

Well you're wrong. I knew him already. I knew him well.

"He is one of the youngest and one of best surgeon in our hospital, including the whole country."

Napangiti si Dr. Garcia na nakatayo sa gilid ng director habang nakikinig kung paano siya purihin nito.

"Well, Dr. Garcia, I want you to meet our new Cardiologist, Dr. Reyes" saad ng director.

Tumayo ako ng makitang naglakad si Dr. Garcia papunta sa akin.

"It's an honor to meet you, Dr. Reyes,"

He then offered his hand.

"Same thoughts with you Dr. Garcia," I accepted his hand and I smiled at him as if it's true.

Kinuha ko din kaagad ang kamay ko dahil pangalawang beses na akong nakipagshakehands sa kaniya.

"You're a cardiologist, right? Then, can you give me some medication that can heal my broken heart?" Pabiro niyang saad pero seryoso siyang nakatingin sakin.

"My apologies, but the only one that can be your medication is your self." Saad ko.

Hindi na siya sumagot at he just let out a smirk.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsibalikan narin naman ang lahat sa kani-kanilang trabaho ganoon din ako dahil meron pang mga pasyente na naghihintay sa'kin.

"Ito po nay, inumin niyo po ang gamot na ito tatlong beses sa isang linggo po ha, para hindi na po kayo mahirapan sa paghinga ninyo," malumanay na saad ko dahil medyo may kaedaran narin si nanay.

"Naku, maraming salamat po Doctora,"nakangiting saad niya.

Kunting pasalamat lang sa'kin ay sapat na sana, pero dahil private hospital may babayaran at babayaran ka talaga.

"Walang ano man po. Matanong ko lang po pala, may mga anak ka po ba?" Tanong ko.

"Meron doc, pero tila nakalimutan na ako eh. Ang asawa ko naman ay namatay ilang taon na ang nakalipas kaya ako nalang ngayon mag-isa sa bahay kasama ang apo ko sa panganay," saad ni nanay.

"Sige ho, ako na po ang bahala sa mga gamot niyo, ako na po ang bahalang magbigay sa inyo ng gamot ha, huwag niyo na po 'yong alalahanin," saad ko.

"Naku, maraming maraming salamat talaga Doctora. Bukod kang pinagpala ng Diyos," hinawakan pa niya ang kamay ko sabay pasasalamat sa akin.

"Walang ano man po nay. Tungkulin ko po bilang doctor ang pagsilbihan ang mga pasyente ko," nakangiting sagot ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay naubos narin ang mga pasyente ko para sa ngayong umaga kaya pwede na akong magpahinga bago maglunch.

Nagtingin tigin nalang ako ng mga files at ibang results ng mga pasyente ko. "Pasok," saad ko ng marinig na merong kumatok sa pintuan ko pero di na ako nag-abala pang tignan kung sino 'yon.

"Naks. Workaholic si Doc"

Napaangat ang tingin ko sa lalaking kakadating lang.

"Don't you have any work Dr. Landar?" Tanong ko kay Lexess.

"Ang sungit naman doc. First day mo pa naman kaya chill lang," saad niya bago umupo sa upuan sa harapan ko.

"So ano ngang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon