"Where is he?"
'Yan agad ang tanong ko kay Lexess ng makitang wala si Dave sa loob ng kwarto ko. Ang tanging nakikita ko lang ay sina George, Kevin, Marie at iba pa naming highschool friends. Andito din sina mama at mama Agnes.
Biglang lumapit si Lexess sa akin at umupo sa tabi ko. Tinulungan niya akong sumandal para mas mahing komportable ako.
"Lex answer me, where is he? Bakit andito din kayong lahat?" Nagtatakang tanong ko.
"Uhmm...ano kasi Belle, may ano...may"
"May?" Nagtatakang saad ko dahil parang hindi alam ni Lexess ang sasabihin niya.
Nakaramdam ako ng kaba na para bang may ibang nangyayari pero hinihintay ko parin na sabihin nila sakin ang totoo.
"May biglaang rescue operation sila, kasama nila sina Doc Mitch" sagot niya.
Parang may kunting tinik na nawala sakin ng marinig ko ang sinabi ni Lexess pero di parin yun sapat para mawala ang kaba na nararamdaman ko.
"Auh ganoon ba. Asan ang phone ko? Tatawagan ko lang siya?" Saad ko.
"Radiation is not good for you Belle," pagpigil ni Lexess.
"Edi kayo nalang ang tumawag, kakausapin ko lang naman siya, saglit lang" saad ko.
Biglang lumapit si mama sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Nagpaalam sa amin kanina si Dave anak, ang sabi niya din sa mama Agnes mo na alagaan ka namin at huwag na daw muna tayong mag-abala sa kaniya kasi wala daw signal doon" saad ni mama.
Bawal ang radiation? Walang signal? Sana totoo ang lahat ng mga pinagsasasabi nila, kasi iba ang pintig ng puso ko. Iba ang nararamdaman ko.
"Saan ba ang rescue Lex?" Tanong ko kasi bakit walang signal?
"Sa ano...sa may...sa may parte bundok ata Belle, malayo dito," sagot ni Lex.
"Auh ganoon ba" hindi man ako kombinsado sa mga sagot nila pero pinilit ko paring maniwala.
"Huwag kang mag-alala Nak, magiging okay lang ang asawa mo" saad ni Mama.
Ngumiti lang ako sa kaniya kahit na meron paring bumabagabag sa puso ko. I know that there's something strange that's going on, pero ayaw ko na munang isipin kasi stress is not good for me especially dahil malapit nang magstart ang chemo ko.
"Belle, bilin ni Dave sa akin na ako na muna daw ang mag-alaga sa'yo kasi may trabaho sina tita. Bilin niya sakin bago siya umalis na alagaan kita, ako na muna daw ang bahala sa'yo. Huwag daw matigas ang ulo mo, kumain ka daw sa tamang oras at inumin mo agad ang mg gamot," saad ni Lexess.
Before he left he still think of me.
Nanatili si Lexess sa loob ng kwarto pero ang mga kaibigan namin ay umalis na din kasi may kani-kanilang trabaho din sila. Pinakain lang ako ni Lex at pinainom ng gamot bago ako nagpahinga.
Parang bigla akong nanibago kasi wala si Dave dito. Wala ang taong dapat na mag-alaga sa'kin. Nalulungkot ako, iniisip ko na sana walang mangyaring masama sa kanila sa rescue operation nila. Iniisip ko na sana safe silang makauwi dito.
That day ended without him beside me. Until three days passed by. Tatlong araw ang lumipas na wala paring balita tungkol sa kaniya kasi nga daw ay hindi sila macontact doon, pero ang sabi naman ni Lex ay okay lang sila.
Three whole days not having him seems like three whole decade. Parang ilang taon ko siyang hindi nakita. Gustong-gusto ko na siyang makita pero wala akong magagawa kasi andito ako sa hospital. If it's a rescue operation alam kong merong mamamatay kaya gusto ko sana siyang icomfort kung andodoon lang ako sa tabi niya pero wala ako eh, kasi andito ako sa hospital, nagpapagamot.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...