"Belle?"
Andito ako ngayon sa loob ng kwarto nang marinig ko ang tawag ni Dave sakin mula sa kwarto niya.
Matagal akong napatingin sa bintana kung saan nanggaling ang tawag ni Dave, at kung saan nagsimula at natapos ang lahat.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa bintana. Binuksan ko ang kurtina at sunod naman ang bintana para mas lalo ko pa siyang makita.
It's a deja vu.
We used to stare like this before.
Sa ilalim ng madilim na kalangitan andito muli ako, sinisilayan ang kaniyang mga magagandang mata.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya ng makita ko siyang nakatingin lang sa'kin.
"Wala. Naalala ko lang, noon highschool palang tayo noong nag-uusap tayo dito pero ngayon pareho na tayong doctor. We grew together but we reached our dreams in different paths"
Napatahimik ako sa sinabi niya kaya tinalikuran ko nalang siya at sinabihan na matutulog na ako.
"Ain't never felt this way"
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla ko siyang narinig kumanta sabay strum sa kaniyang gitara.
"Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands""And you need to know
You're the only one, alright... alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night"Hearing his voice again make me go back to everything. Kung paano namin tapusin ang bawat araw sa isang kanta.
Kung paano kami tumitig sa isa't isa bago matulog.
Kung paano kami kasaya kapag magkasama kami na para bang kami nalang ang natitirang tao sa mundo.
Kung paano niya sabihin ang mga salitang 'mahal kita.'
Bumalik ako sa lahat.
Pero lahat ng 'yon ay parte na lamang ng aming mga alaala.
Hindi na pwedeng ibalik ang lahat. Bumitaw na kami, at hindi na ako gagawa ng paraan upang bumalik pa kami sa isa't isa.
"Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad"Napalingon ako sa kaniya ng marinig ko kung paano niya kantahin ang kanta. Nakita ko siyang nakatingin lang din sakin habang kumakanta kaya agad akong umiwas ng tingin.
Napahiga nalang ako sa kama para magpanggap na matutulog na kahit hindi pa naman ako inaantok.
Natapos niya ang buong kanta pero alam kong andoon parin siya kasi nararamdaman ko parin ang mga titig niya.
"I badly miss the old us Belle, kung saan makikinig at sasabayan mo akong kumanta, kung saan tititigan mo ako gamit ang mapupungay mong mga mata."
Tahimik akong nakikinig sa mga sinasabi niya kahit ang totoo ay nakakaramdam na ako ng kakaiba. Parang may kuryente na dumadaloy sa buong katauhan ko.
"Namiss ko ang lahat lahat ng meron tayo noon Belle, lalong lalo na Ikaw"
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko matapos marinig ang sinabi niya.
No! Hindi maaari. Hindi pwedeng mahulog ako ulit sa kaniya.
"Kung maibabalik ko lang sana ang lahat Belle, gagawin ko, pero pakiramdam ko ayaw mo, ayaw ko din naman na ipilit ang nga bagay na hindi na maaari"
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...