"Manong, sorry late kami, papasukin niyo na po kami"
Late na naman kami ngayon ni Dave. Andito kami ngayon sa labas nang school habang nagmamakaawa kay manong guard.
Si Dave kasi eh, late na naman ako ginising kanina!
"Hay naku! Lunes na lunes late kayong dalawa," reklamo ni manong.
"Ayaw mo 'yon manong, lunes na lunes libre ang lunch mo mamaya," pangbibilog ko na naman nang ulo niya.
"Naku nakong bata ka!" Naiinis pero nakangiting saad ni manong. "Oh sige na, pasok na kayo," saad ni manong at binuksan na ang gate.
"Thank you manong!" Pasalamat naming dalawa at tumakbo na papunta sa classroom.
Late na kami ngayon at alam kong masesermunan na naman kami nito dahil late kami.
Saktong pagdating namin ay nagsusulat sa board ang teacher namin kaya ginamit namin ang invisible power namin at umupo na sa upuan namin.
"Okay, settle down," saktong pagkasabi nang teacher ay nakaupo na kaming dalawa kaya hindi kami napagalitan.
Nakinig ako sa lecture ngayon sa Filipino dahil may quiz daw pagkatapos.
"Excuse me, Miss Dela Cruz" saad nang principal namin at pumasok sa classroom para kausapin ang teacher namin.
Nag-usap sila doon sa may pintuan at alam na namin na cancel and quiz dahil 'yung ngiti nang chismosa at chismo kong classmate ay hanggang batok na.
"Okay class, cancel ang quiz natin, may meeting kami ngayon, so class president, please take over the class," utos ni ma'am at lumabas na nang classroom.
Pag labas nang teacher ay alam ko na kaagad ang nangyari, may ibang naglipat nang upuan at may ibang nagchichikahan.
"Uy, nakatulala ka ata ngayon," saad ko nang makitang nakatulala lang si David habang nakatingin sa labas.
"Auh wala," agad na tanggi niya nang bumalik na ito sa katinuan
"Anong wala," hindi kumbinsidong sagot ko at umupo sa harapan niya.
"May iniisip lang," sagot niya.
"Ano nga?" Pangungulit ko.
"Basta, huwag na nating pag-usapan 'yon" saad niya at ngumiti.
Ang plastik nang ngiti niya.
Alam kong may iniisip siya pero di niya lang sinasabi.
Nginitian ko lang siya pabalik para pagaanin ang loob niya.
"Kain tayo," aya ko sa kaniya at tumayo.
Tumango siya at sumunod sa likuran ko papunta sa canteen.
"Belle!"
Sigaw ni Dave nang muntik na akong mabangga nang tumatakbong estudyante, napasandal tuloy ako sa pader kaya napatingin ako sa kaniya.
Ang lapit namin sa isa't isa. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang makita ang nag-aalala niyang mga mata.
"Okay ka lang?" Tanong niya at tinignan ang mukha ko.
Tumango ako at bahagya siyang tinulak dahil hindi ko na nakayanan ang pagbilis nang tibok nang puso ko.
Bakit ganoon kabilis?
Anong nangyayari sa'kin?
"Sigurado ka? Hindi ka nasaktan?" Nag-aalalang tanong niya.
"Hindi, okay lang ako," sagot ko at ngumiti.
Tumangi siya at sumunod lang sa likod ko.
"Sa susunod kasi tignan mo ang dada-"
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Fiksi RemajaAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...