"Punta tayo mamaya sa plaza,"
Pauwi na kami ngayon sa bahay galing sa school. Wala naman masyadong nangyari kahapon pagkatapos akong isurprise ni Dave, basta sabay kaming umuwi kagabi.
"Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.
"May pa valentines special daw si mayor," saad niya.
"So anong gagawin doon?" Tanong ko ulit.
"Manonood nang fireworks!" Nakangiting saad niya.
Yes, David likes fireworks. Kaya tuwing new year palaging may fireworks dito sa'min dahil gusto niya makakita nang fireworks palagi.
"Magpapaalam ako kay mama at papa, anong oras ba?" Saad ko.
"Alas-otso," sagot niya.
Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Pagdating ko sa bahay ay agad na hinanap ko si mama para magpaalam.
"Ma? Mama?" Tawag ko sa kaniya habang kumakatok sa kwarto nila ni papa.
"Bakit?" Sagot niya sabay bukas nang pinto.
"Magpapaalam lang po si bunso," paglalambing ko sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Uhmm...kasama ko naman Ma si Dave, sa plaza lang po kami pupunta," sagot ko.
"Oh sige, basta huwag kang humiwalay kay Dave, ha!" Paalala ni Mama.
Masaya akong tumango at umakyat na sa kwarto ko para magbihis. Nagbihis lang ako nang shorts at sky blue hoodie.
"Belle,"
Agad akong naglakad papunta sa bintana ko para matanaw siya.
"Oh?"
"Nakapagdinner ka na?" Tanong niya sa'kin.
"Ala-sinco palang uy! Ang early nang dinner mo ha!" Natatawang saad ko.
Mamayang alas-otso pa kami aalis tapos tatanungin na niya ako kung nakapagdinner na ako.
"Mga ala-syete alis na tayo," saad niya.
"Bakit?"
"Hindi lang ikaw ang manonood madam. Sigurado akong maraming pupunta mamaya," barumbadong sagot niya.
"Edi wow."
Bumalik ako sa study table ko para manood nang movie. Wala na kasi akong gagawin eh.
"Belle! Paturo sa Math!" Sigaw niya.
"Kaninang tinuturuan kita ang sabi mo matutulog ka pa. Edi isagot mo diyan ang mga stock knowledge mo!" Sagot ko sa kaniya.
"Belle, sige na pleaseee," pacute na saad niya.
"Bahala ka sa buhay mo, Dave!" Sagot ko.
Tumahimik na siya kaya akala ko ay tatahimik narin ang buhay ko pero nagkamali ako nang akala. Napatalon ang puso ko nang bigla nalang bumukas ang pintuan nang kwarto ko.
"Demonyo ka!"
Gulat na sigaw ko at nahagis ko sa kaniya ang librong nasa table ko.
"Aray ko!" Reklamo niya nang matamaan siya.
"Eh bakit ka ba kasi nandito?"
"Turuan mo nga ako," pagmamakaawa niya.
"Doon ka!" Utos ko sa kaniya at tinuro ang sahig kaya sinunod niya naman ako.
Dumapa siya sa sahig at nilapag ang mga libro at notebooks niya, umupo naman ako sa tabi niya habang suot ang salamin ko.
"Oh dapat ganito," saad ko at tinuro na ang procedure sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...