Five days passed by after that night. Sinundo nga niya ako kinaumagahan at sabay kaming pumunta sa hospital thay day.
Ngayon, andito ako sa hospital as usual nay duty kasi ako ngayon. We only have 23 days left and then matatapos na ang lahat ng 'to.
I'm just busy looking at some results ng mga laboratory test when Lexess entered my office.
"Yes?" Tanong ko sa kaniya.
"Lunch?" Tanong nuya sabay upo sa upuan.
Nang banggitin niya ang lunch ay bigla ko nalang naalala ang sinabi ni David kaninang umaga na ipagluluto niya daw ako ng lunch.
"Bukas nalang please, treat ko" pagdadahilan ko.
"Oh sige. Basta bukas ha, aasahan ko yan" saad niya bago tumayo.
"Yes doc" sagot ko.
Tuluyan na nga siyang lumabas ng opisina ko kaya naiwan na naman ako ulit dito sa opisina. Kanina pa ako nagugutom pero gusto ko rin na makain ko mamaya ang ipinagluto niya, sayang yung effort.
Gutom na gutom na ako kaya I just send him a message saying na nagugutom na ako. Ilang minuto pa ako naghintay bago kumatok ang nurse na may bitbit na lunch box.
"Yes?" Tanong ko sa kaniya.
"Doc sorry ngayon ko lang namalayan ang oras. Iniwan to kanina ni Doc Garcia sa'kin na ibigay daw sa'yo kapag lunch time na kasi may pinuntahan silang rescue operation at isa siya sa mga pinadala kanina, hindi na siya nakapagpaalam sa'yo doc kasi kinakailangan na sila kanina eh."
Rescue operation? Di ko alam na may naganap na palang ganito.
"Oh it's fine. Thank you" saad ko.
Inilapag na niya ang lunch box sa table ko bago nagpaalam na. Hindi ko mapigilan ang mag-alala ng marinig ko ang tungkol sa rescue operation. Alam kong merong mamamatay and that's what David is afraid of. I check some news at doon ko nakita na pinadala sila sa malapit sa bundok kung saan merong naganap na malakas na lindol. I check some further news at nabasa kong merong namatay, merong nawawala at maraming sugatan.
Isabelle_Reyes
Dave, you can't save everyone, remember that. Dave, think that despite of having numvers of deaths there's still thousands of people who needs you so just keep going, you're doing your job. Paolo tandaan mo marami pang mga tao ang umaasa sa'yo so please be strong. I'm here for you.
Alam kong hindi pa niya 'yon mababasa pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa sobrang pag-aalala. Gustuhin ko man na pumunta doon pero hindi maaari dahil meron pa akong mga pasyente ngayong hapon na naghihintay sa akin.
Isabelle_Reyes
I'll wait you later at your office.
'Yan ang huli kong sinabi bago ako kumain. Adobo ang niluto niya para sa'kin at meron ding fried chicken. Kumakain lang ako pero ang buong isip ko ay siya lang. Kung kumusta na kaya siya? Ano nang ginagawa niya.
I know that I should not suppose to feel this way knowing na wala na naman kaming connection sa isa't isa, but I know Dave so well, alam ko kung paano siya madudurog kapag makikita niyang merong dumadagdag na mga biktima.
Natapos lang akong kumain pero wala parin akong message na natatanggap mula sa kaniya. Gustuhin ko man na tawagan siya pero hindi maaari kasi baka makaistorbo ako sa kanila kaya pilit kong pinipigilan ang sarili ko at pinapakalma.
Itinuon ko muna ang buo kong atensyon sa una kong pasyente ng pumasok ito sa loob ng opisina ko. Tatlo pa ang pasyenteng sunod na pumasok sa opisina ko bago natapos ang hapon ko.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Novela JuvenilAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...