MVEN-8

150 123 48
                                    

"Bobo ka, ang dami mong pinamili tapos ako lahat ang bumayad," pagrereklamo niya habang nilalagay niya ang mga pinamili namin sa loob nang sasakyan.

"Ang dami pang reklamo kakainin mo naman yan," sagot ko sa kaniya.

"Hindi ako kakain niyan," saad niya at pumasok na nang kotse.

"Sure ka?" Paninigurado ko.

"Oo." Determinadong sagot niya.

"Humanda ka sa'king hayop ka kapag makita kitang kakain nang pinangbili ko ha," pananakot ko sa kaniya.

"Parang pera mo ang pinambayad ha," sagot niya sa'kin.

Hindi na ako sumagot at tumahimik nalang sa buonh byahe namin pauwi.

"Umuulan ba?" Tanong ko nanh makitang medyo umaambon.

"Siguro nga,"saad niya at tumingin sa'kin.

"Maligo tayo!" Masayang aya ko sa kaniya.

"Oh sige," masayang sagot niya.

Pagdating namin sa bahay ay tinulungan ko siyang dalhin sa loob ang lahat nang mga pinambili namin, dito kasi kami mamaya manonood nang movie.

"Belle bilisan mo tumitila na ang ulan," saad ni Dave.

Kanina pa kasi ako naiihi kaya umihi muna ako.

"Sandali lang," sigaw ko mula sa cr.

Lumabas narin ako pagkatapos nang ilang minuto.

"Halika na," saad niya at inilahad ang kamay niya para mahawakan ko ito.

He intertwined our hands, at sabay na lumabas nang bahay para maligo sa ulan.

Ang saya!

Sa bawat segundo o minuto na si Dave ang kasama ko, masaya ako, kampante ako.

Siya kasi ang kaligayahan ko.

Masaya kaming naliligo ngayon sa ulan at pumunta kami sa may plaza kung saan merong basketball court.

"Belle, i-shoot mo," saad niya habang hawak ko ang bola.

Ginawa ko kung ano ang tinuro niya sa'kin at tuwang-tuwa akong tumalon talon dahil na shoot ko ang bola.

"Galing natin ha," puri niya sa'kin.

"Ano ka ba, ako lang 'to," hambog na sabi ko.

"Oh sige, laro tayo, pustahan tayo" paghahamon niya sa'kin.

Mukahang matatalo tayo dito ha.

"Oh sige, basta ako ang gagawa nang mechanics?" Saad ko.

"Baka sa'yo lang pabor ang mechanics na gagawin mo," hindi kumbensidong sabi niya.

"Basta um-oo ka nalang"saad ko dahil may pinaplano ako.

Nag-isip pa siya bago tumango.

"Okay, so ito ang mechanics," saad ko habang nakangisi.

Basang-basa kami ngayon sa ulan dahil gusto pa naming maglaro.

"Kung sino ang matatalo siya ang bibigyan nang five thousand nang mananalo," saad ko habang nakangiti.

Chance ko na 'to para magkapera.

"Aba lugi ako diyan uy," agad na reklamo niya.

"Edi magpatalo ka," barumbadong sagot ko.

"Luh? Ang galinh mong gumawa nang mechanics," saad niya.

"Thank you," proud na sagot ko.

Yun na nga ang hinawa namin. Naglaro kami nang basketball at talagang ginagawan niya nang paraan para makashoot ako.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon