"Dave!"
Naiirita ako ngayon dahil ang aga-aga nang mundo napakaingay nang music ni Dave.
"May galit ka ba sa mundo ha?! Ang aga-aga!" Pagrereklamo ko.
"Sorry na. Sige na matulog ka na ulit," saad niya at nagpeace sa'kin.
"Seriously? Sa tingin mo makakatulog pa 'ko?" Galit na sabi ko.
"Galit na agad? Ang aga po ma'am," saad niya at nagsasayaw pa habang kumakanta.
Iriti akong pumasok nang banyo para maligo.
Ang bilis nang paglias nang panahon dahil bukas na bukas ay valentines day na. Meron pa daw event na inihanda ang school.
Linggo ngayon at ang pinag-usapan namin ay magsisimba kami mamayang alas tres sa isang magandang simbahan sa isang lugar malapit sa'min.
Paglabas ko nang banyo ay parang nagising ang natutulog ko pang diwa nang malakas na kumanta si Dave.
"Woohhh! Tayo nalang dalawa! Tayo nalang magsama! Tayo nalang dalawa! Tayo naman talaga!" Malakas na kanta niya.
"Hoy, PAOLO! Hinaan mo nga ang boses mo!" Naiiritang saad ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at pinagpatuloy pa ang pagkanta.
Nagbihis na ako nang yellow fitted croptop at black shorts. Naiinis akong lumabas nang kwarto para kumain nang almusal.
"Oh! Madam, gising ka! Anong oras na!" Pag-iinarte ni kuya nang makita ako.
"Umaga pa nga lang eh," saad ko at umupo na sa dining para kumain.
"Alas-onse na uy!" saad ni kuya.
Agad kong tinignan ang oras sa phone at tama nga si kuya, alas-onse na!
Ano bang nangyari sa'kin?
Nag-escape ba ako from reality?
Ang haba nang tulog ko!
"Oh? Kumain ka na diyan," saad ni kuya.
Yun nga ang ginawa ko. Kumain na ako at hinugasan ko na lang din ang mga pinagkainan ko.
"Kuyaaa!" Napatingin kaagad ako sa pintuan nang may pumasok sa bahay.
Nakakairita!
Andito na naman ang engkanto kong kapitbahay!
"Laro tayo," aya niya kay kuya.
Nakasuot siya nang dark blue sleeveless shirt at white nike shorts.
"Sandali lang, tatapusin ko lang 'to" saad ni kuya habang tutok na tutok sa tv.
Pagkatapos kong maghugas ay lumabas ako nang dining para magpakita sa kanila.
"Oh! Belle! Gising ka na pala!" Pang-iinis ni Dave.
"Hindi pa, bumangon lang ang kaluluwa ko," tarantadong sagot ko kaya tumawa siya nang malakas.
Akmang aakyat na ako pabalik nang kwarto nang may tumawag sa'kin.
"Ate!" Sigaw ni Chris mula sa labas.
Napabalik ako at lumabas nang bahay, sumunod naman si Dave sa'kin.
"Doon ka nga," naiinis na utos ko kay Dave nang makitang nakatayo siya sa likuran ko.
"Ayoko,"
Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na nang bahay.
"Dito pala bahay niyo, ate," masayang sabi ni Chris.
BINABASA MO ANG
My View Every Night
Teen FictionAng tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan wala ka nang magagawa, kahit nasasaktan ka na mahal mo parin. Hihintayin ko ang araw na mapansin mo...