WARNING: ANG STORY'NG ITO AY MARAMING HARSH AT HINDI MAGAGANDANG SALITA
READ AT YOUR OWN RISK.
- Aizekiel's POV -
Nasa clubhouse kami ngayon, tumatambay kasama ang mga girlfriend namin. Kanina pa nandito yung mga girlfriend ng mga kaibigan ko, ako na lang ang naghihintay sa girlfriend ko na hanggang ngayon ay wala pa rin.
"Bat ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay." Kararating lang niya. 7:00 ang usapan pero 8:30 PM na ngayon.
"May naka-away pa akong gago sa daan eh." Haaay. Bakit pa nga ba ako nagtatanong? Eh kahit kelan naman laging galing sa away tong babaeng ito eh.
Sino siya? Siya si Cossette Von Stein, ang girlfriend ko. Isang babaeng laging naghahanap ng away, mahilig uminom at naninigarilyo. Kasali sa isang Clan na madalas ay magkaroon ng Clan War na patayan. Isang babaeng kinatatakutan dahil sa pamamaraan ng kanyang pananalita at madalas na paglalagay sa ospital sa kanyang makakaaway. Sa madaling salita, isa siyang badass.
Pero kahit na ganyan ang babaeng yan, kahit na nakaka-intimidate siya, kahit na bayolente siya, at kahit puro gulo ang lagi niyang kasama, nagawa ko pa din siyang mahalin.
Paano nangyari na ang isang taong matino ay magkaka-relasyon sa isang taong kakambal ng kaguluhan? Hindi ko din alam.
Basta ang alam ko, bigla na lang siyang dumating sa buhay ko. Isang araw na akala ko ay katulad lang nung mga nakaraang araw na pinagdaanan ko.
Pero.... Akala ko lang pala yun.
Naaalala ko nung una ko siyang nakita, elementary pa ako nun. At dahil mataba ako, madalas akong inaasar at binu-bully. Wala akong kaibigan nun, walang nagyayaya sa akin na makipag-laro. Kaya tuwing break time namin, nagbabasa na lang ako ng libro.
"Nasan na yung lunch namin?" Nakaupo ako nun sa isang bench sa playground ng school namin. Apat sa lalaking kaklase ko ang lumapit sa akin. Araw-araw nilang hinihingi yung baon ko.
Niyakap ko lang yung lunch box ko at tinitigan sila. Ginawa ko yun kahit na alam kong makukuha pa rin nila yung baon ko.
Sabay-sabay nilang hinihila sakin yung lunch box ko, kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa baunan ko.
Ganun kami araw-araw. Hahawakan kong mabuti ang lunch box ko, sabay-sabay nilang hihilain, at kahit gaano pa kahigpit ang hawak ko dun, makukuha pa rin nila sa huli.
"Ibigay mo na lang kasi yung baon mo! Kaya ka tumataba eh! Kain ka ng kain! Tinutulungan ka na nga naming pumayat, ayaw mo pa!" Malapit na nilang makuha yung lunch box ko nun, pero tinulungan niya ako.
"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya? Tigilan niyo nga yan!" Lumingon ako pati na rin ang apat kong kaklase.
Bagong lipat pa lang si Cossette nun, kaya wala pang nakakakilala sa kanya.
"Bakit? Anong gagawin mo pag hindi kami tumigil? Babae ka lang, at apat kaming lalaking makakalaban mo. Kung ako sayo, manahimik ka na lang diyan." Matapang na sabi yun ni Travis, ang "boss" nung tatlo kong mokong na kaklaseng umaagaw sa lunch box ko. Siya daw yung "leader" sa kanilang apat.
Ipinagpatuloy lang nila ang pang-aagaw sa baon ko. Ang buong akala ko nun ay natakot si Cossette at umalis na.
"Sabing tigilan niyo yan eh!" Lumingon kaming lahat, nandun pa rin si Cossette sa kinatatayuan niya kanina. Nababanas na nilapitan ni Travis si Cossette. Sumunod naman yung tatlo niyang unggoy. Naiwan ako dun sa bench na pinapanood ang apat na bully kong kaklase na lumalapit sa isang maliit na batang Cossette.
"Hmmppff. Matapang ka ah." Sinubukan niyang hilain yung collar ng uniform ni Cossette, pero naunahan siya nito. Hinawakan ni Cossete ang wrist ni Travis at hinila niya ito papalapit sa kanya. Sinipa niya si Travis sa tuhod kaya napaluhod ito. Tinulak siya ni Cossette kaya napahiga siya sa lupa, yung mukha niya ay nakadikit sa lupa nun. Para siyang nagpa-planking. Dinaganan siya ni Cossette at inupuan.
"Ahhhh! Tama na! Titigil na! Titigil na!" Sumisigaw na si Travis nun at halos maiyak na siya sa sakit. Dala na rin siguro ng takot, wala ni isa sa tatlong unggoy niya ang tumulong sa kanya.
"Lahat ng haharang sa daan ko, bubugbugin ko." Pagkatapos yun sabihin ni Cossette ay pinakawalan na niya si Travis. Tumakbo ito palayo kasama na din ang tatlo niyang unggoy.
"Ayos ka lang?" Nilapitan ako ni Cossette nang makalayo na sila. Natakot din ako nun sa kanya kaya hindi ako maka-sagot. "Wag kang magalala, hindi ako nananakit ng mababait." Ngumiti siya sa akin kaya nawala yung takot ko nun.
"Ako nga pala si Cossette, Cossette Von Stein. Ikaw, ano pangalan mo?" Nilatag niya yung kamay niya sa harapan ko, inabot ko yun at nakipag-handshake sa kanya,
"A-Aizekiel Coen Be-Beckham." Hindi ako sanay nang may babaeng kumakausap sa akin nun.
"Nice to meet you! :) Friends?" Simula nun ay naging magkaibigan nga kami. Hindi lang friends, best friends.
Simula nung mangyari yun wala nang nambu-bully at nangaasar sa akin. Natakot silang lahat kay Cossette. Gumanda ang buhay ko dahil sa kanya. Marami akong naging kaibigan, at na-motivate niya ako para pumayat.
Malaki ang naitulong sa akin ni Cossette, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. At kahit kelan, ayoko siyang saktan.

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...