- Aizekiel's POV -
"Ok, alam naman nating lahat na bukas na ang ating School Festival." Pagsisimula ko.
Nandito ako ngayon sa room ng Student Council, at dahil ako ang President, nagpapa-meeting ako sa mga class and club presidents. Bukas na kasi ang School Festival kaya kailangan na namin i-finalize at pag-usapan ng maayos ang mga kailangan gawin para maayos ang magiging event namin bukas.
"Ibig sabihin kailangan maging alerto ang ating mga Disciplinary Committee. Make sure na maayos ang pila at walang magi-gitgitan. I'm counting on you Bryce, tell the others ah." Sabi ko sa kaniya. Si Bryce ang head ng Disciplinary Committee ng MCU.
"Kailangan natin matapos ang lahat ng preparations ngayon. Yung mga booth niyo, decorations, yung mga bands. Lahat tapusin na. Double check everything para wala nang problema bukas." Masyadong maaga magsa-start ang School Festival kaya wala na silang oras para tapusin ang kanilang mga kailangan para bukas. Isang araw lang kasi ang pagce-celebrate namin pero whole day yun. 8 AM ang start tapos matatapos ng 8 PM. Pagdo-duble check na lang ang maari nilang gawin bukas.
Isa-isa kong tinanong ang mga president ng mga clubs para kamustahin ang kani-kanilang mga progress. Pagka-tapos naman nun ay tinanong ko ang mga Class President para kamustahin naman ang kani-kanilang mga booth.
"I-ready niyo na ang mga photographer niyo and tell your staff na wag kakalimutan na mag-sulat ng article nila after ng event. Yun ang pinaka-highlight ng ating September Issue ng MCU Newsletter. Don't forget ah." Pagpapaalala ko naman sa Editor-in-Chief ng Journalism.
"Okay. Ime-meet ko na lang ang mga staff ko mamaya. Para malinaw ko sila sa mga kailangan nilang gawin bukas." Sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa sagot niya.
Nang malinaw ko na ang lahat ay dinismiss ko na sila para matapos na nila ang kanilang mga gagawin.
Ang class president na lang ng section nila Cossette ang pinaiwan ko para tanungin kung nasaan siya.
"Hindi ko nga din alam eh. Basta nagpaalam siya na magc-cr siya tapos di na bumalik." Sagot niya sa aking tanong.
"Ahh, ganun ba.." Nasaan na naman kaya yun? Baka mamaya nag-cutting na naman siya para lang makipag-away. Hayysstt.
"Sige, salamat." Sabi ko sa kaniya at nauna nang lumabas sa kwarto.
Kilala kami sa mga School Festival namin, at kadalasan sa mga sumasali sa BOTB o Battle of the Bands ay nakukuha ng mga record producer. Kaya ganun na lang ang pagaabang ng mga students sa School Festival. Iniisip nila na baka may makilala silang banda dito na posibleng maging sikat sa future, kaya habang nagpe-perform pa lang sila sa school ay inaabangan na nila. Ganun kataas ang tingin nila sa School Festival namin. At isa pa, marami kaming estudyante dito na magaganda at gwapo. Kaya madaming dumadayo na taga-ibang school.
Naisipan kong mag-libot para i-check ang progress.
Una-una kong napansin ay ang decorations. Simple lang siya pero festive sa feeling.
Nakita ko din na na-set up na ng kada section ang kani-kanilang mga tent. Unting-unti nang nabubuo ang kani-kanilang mga booth.
Pagka-tapos ay dumiretso naman ako sa field kung saan naka-set up na din ang stage. May mga kulang pa din na equipment pero may nakikita akong mga estudyante na may dala-dalang mga sound system. Siguro mamayang hapon ay matatapos na nila ang paglilipat ng lahat ng gamit.
Nang matapos ko na ang aking pagi-ikot ay dumiretso naman ako sa mga banda na nagpa-practice para sa BOTB. Sa mga vacant classroom ko sila pinag-practice at pinadala ko na lang ang kani-kanilang mga instruments dun.
Tumayo ako sa labas ng pintuan ng kada banda para pakinggan kahit papaano, ang kanilang mga practice.
"Mukhang maayos naman." Sabi ko sa sarili ko nang mapakinggan ko na ang pinakahuling banda.
Naisip kong dumaan sa kabila pabalik sa Student Council room. Para maglakad-lakad lang. Saka para na rin tignan kung may estudyante na naiwan sa classroom na hindi tumutulong sa section nila. Sa madaling salita, nag-hallway monitoring ako.
Sa gitna nang aking paglalakad ay napatigil ako sa harap ng music room.
May naririnig ako.
Lumapit ako sa pinto at bubuksan na dapat ito nang makita ko si Cossette.
Naggi-gitara siya, habang kumakanta.
Tumigil ako at nag-desisyon na wag munang buksan ang pinto.
Ngayon ko na lang siya ulit narinig kumanta.
Ang huling pag-kanta niya na narinig ko ay nung grade 1 pa kami. Alphabet song pa ang kinakanta namin nun ah.
Mag-isa lang siya sa kwarto, sa tingin ko ay eto ang nagiging comfort niya.
Ang kumanta at tumugtog ng mag-isa.
Pinagmasdan ko siya habang kumakanta. Naka-tagilid siya sa akin at naka-pikit siya kaya hindi niya ako napapansin o nakikita.
Relax na relax ang itsura niya, ibang-iba sa Cossette na laging nakabantay sa kaniyang likod.
Ang ganda pala ng boses niya.
I never thought na someone who is violent and demonic could be somehow fragile and angelic.
Napaka-gandang balance between two opposing forces.
Sa labas ay bayolente at mukhang walang pake, pero sa loob pala niya ay napaka-gentle at caring.
Hindi ko pa nga talaga kilala ang girlfriend ko.
Marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya. Marami pa pala akong kailangang tuklasin.
These little secrets you have, they motivate me to love you more and more each day.
Case na talaga ito ng sinasabi nilang true love. Because you never stop loving the person, the feelings only grow stronger.
Tumayo lang ako dun at patuloy siyang pinagmasdan hanggang sa naisipan ko nang umalis.
Ayokong sirain ang tanging comfort niya.
Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan hanggang sa maka-balik na ako sa room ng Student Council.
Umupo ako agad sa aking upuan.
Napa-lean over ako sa aking desk at hinimas-himas ang aking baba habang nagi-isip pa din.
"Hmmm.. Lost Stars."

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...