- Cossette's POV -
"Ma'am Cossette, nakahanda na po ang motor niyo." Sabi sa akin ng taga-handle ng mga sasakyan namin.
Pagka-labas ko ay nakatayo si Leo sa tabi ng motor ko.
"Paano ka nakapasok?" Tanong ko habang inaayos ang helmet ko.
"Pinapasok ako ni manang." Sagot niya.
"Sabay na tayo." Dagdag pa niya.
"Ang dami-dami mong sasakyan tapos makikisabay ka pa sakin." Sagot ko. Napapadalas na din kasi ang pag-sabay niya, saka mayaman naman siya eh.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niya pang makisabay sa akin.
"Sige na! Pleaaaaaaaase." Pamimilit niya.
Tss. Ang kulit naman nito eh.
"Oh." Inabutan ko siya ng helmet at pinasakay na.
Parehas lang naman kami na pupunta sa birthday ni Kaizer, kaya pumayag na lang akong isabay siya.
Naging mabilis at tahimik naman ang naging biyahe namin. Wala pang 15 minutes ay nakarating na kami sa clubhouse nila Kaizer.
Mabilis ko itong ipinark at dumiretso na sa loob kasama si Leo.
Madami nang tao ang nandito. Mga nagsa-sayawan at nagka-kasiyahan.
Bago namin hanapin kung saan naka-pwesto sila Kaizer ay kumuha muna kami ng beer sa may bar.
Sinubukan ko silang tawagan pero walang sumasagot. Baka hindi nila naririnig sa sobrang ingay dito sa loob.
Patuloy pa rin kami sa paghahanap sa kanila hanggang sa makita namin sila Kaizer, Connor, Ace at Cameron na nasa isang table malapit sa may stage ng clubhouse. Pero wala si Aizekiel.
"Happy Birthday, bro!" Pagbati ko kay Kaizer habang nakikipag-bro fist sa kaniya.
"Salamat!" Sagot niya sa akin.
"Nasaan si Aizekiel?" Tanong ko sa kanila.
Inikot-ikot ko ang aking mga mata para subukang hanapin siya pero di ko talaga makita.
"Ha? Eh diba kasama mo siya kanina?" Nalilitong tanong sa akin ni Connor.
"Ano? Eh kararating ko lang eh." Sagot ko sa kaniya.
"Nagpaalam siya kanina, sabi niya lalabas lang daw siya kasi nag-text ka na nasa labas ka." Naguguluhang sabi ni Kaizer sa akin.
"Ha? Wala akong tinext na ganun." Nagtatakang sagot ko sa kanila.
Nag-tinginan sila. Mukhang wala din silang alam sa nangyayari.
"Lalabas lang ako." Sabi ko sa kanila nang wala na sa amin ang makapagbigay ng explanation sa nangyayari.
"Samahan na kita." Sabi ni Leo sa akin.
"Ako din." Pakiki-join naman ni Kaizer.
Sinusubukan ko pa ding i-dial ang cellphone number ni Aizekiel. Pero puro cannot be reached lang ang naririnig ko.
Mabilis akong naglakad papuntang labas, sinusundan lang ako nila Leo at Kaizer sa likod.
Nang makarating na kami sa labas ay nalaglag ang panga ko sa nakikita ko.
"WHAT THE FUCK?!" Pagkasabi ko nun ay tumigil sa pakikipag-halikan si Aizekiel sa isang babae.
"Natalie?" Naguguluhan namang tanong ni Kaizer nang makita na namin ang mukha ng kahalikan niya.
"Cossette?" Gulat na sabi sa akin ni Aizekiel. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Natalie.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko. Nanigas ako bigla sa aking kinatatayuan.
"A-anong gi-ginagawa niyo?" Nabagsak ko bigla yung bote ng beer na hawak-hawak ko. Diretso lang ang tingin ko sa babaeng kahalikan ni Aizekiel kani-kanina lang.
"Cossette, it's not what it looks like." Sabi niya sa akin habang inaalog-alog ako para makuha ang atensyon ko.
"It's not what it looks like? Eh putangina! Anong tawag mo dyan?" Galit na sagot ko sa kaniya nang mag-rehistro na sa aking utak ang lahat ng nangyayari.
Tinanggal ko bigla ang pagkaka-hawak niya sa aking mga braso.
"I'm sorry. Hindi ko na---" Sabi niya sa akin.
"Hindi mo napigilan?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"This is bullshit." Dagdag ko sa kaniya nang hindi siya maka-sagot at nag-lakad na lang palayo.
Gusto ko sana silang sapakin, gusto ko silang paglabasan ng galit. But I couldn't bring myself to do it.
"Cossette! Please!" Patuloy pa rin akong tinatawag ni Aizekiel pero hindi ko siya pinapansin. Nag-patuloy lang ako sa paglalakad ko palabas.
"Cossette, talk to me." Pagma-makaawa sa akin ni Aizekiel pero hindi ko pa din siya pinapansin.
"Magsama kayo." Malamig na sabi ko sa kaniya at hinarurot na ang motor ko paalis.
Narinig ko si Leo na may sinabi sa kaniya pero hindi ko na ito pinakinggan.
Wala akong pake kung magbugbugan na sila diyan.
Naiinis ako. Hindi, nagagalit ako.
Dumaan ako sa isang Convenience Store at bumili ng isang supot ng alak.
Kinuha ko agad ang pinaka-malamig at nilaklak na ito habang nagda-drive.
"Magandang gabi po, ma'am Cossette." Pagbabati sa akin ng katulong namin nang makapasok na ako sa bahay.
Walang maganda sa gabi ko manang.
"Magdala ka ng baso at maraming yelo sa kwarto ko." Pagu-utos ko sa kaniya.
"Sige po." Dumiretso na ako sa aking kwarto at umupo sa aking sofa.
Nilabas ko ang lahat ng alak na binili ko.
"Ma'am eto na po yung yelo." Sabi sa akin ni manang habang nilalapag ang yelo sa lamesa na nasa tapat ko at umalis na agad pagkatapos.
Naghanda na ako ng beer sa aking baso at nagsimula nang uminom.
Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at pinatong ang braso ko sa aking mga mata.
"Ang sakit nun ah." Mahinang sabi ko sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomansaA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...
