- Third Person POV -
Ilang araw na ang lumipas simula nang magkagulo ang mga buhay ni Cossette at Aizekiel.
Pero hindi nila alam na matagal-tagal na palang pinaglalaruan ang kani-kanilang mga buhay ng isang taong hanggang ngayon ay nababalutan pa din ng pagnanais na makapaghiganti.
"Cossette! Mag-usap tayo!" Sigaw ni Aizekiel sa labas ng bahay nila Cossette.
Hanggang ngayon ay hindi pa din siya kinakausap ni Cossette. Hindi ito pumapasok at hindi rin naman sinasagot ang kaniyang mga text at tawag.
"Cossette!" Sigaw niya ulit, pero wala pa ding pumapansin sa kaniya.
"Usap tayo, please." Pagmamakaawa niya sa text.
Umupo siya sa pavement habang hini-hintay ang reply ni Cossette hanggang sa napagod na siya kakahintay.
"Ang tagaaaaaaal." Isip-isip ni Aizekiel.
Sinubukan naman niyang tawagan si Cossette.
"Pick it up, pick it up." Aniya.
At nagulat siya nang sagutin nito ang kaniyang tawag.
"Hello, Cossette? Nasa labas ako ng bahay niyo, usap naman tayo oh." Sabi niya.
"Aizekiel?" Pero nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kaniyang kausap. Hindi ito boses ni Cossette, kundi boses ni Natalie.
"Ampf." In-end call niya ito agad.
Nawala sa isip ni Aizekiel na hindi pa nga niya pala napapalitan ang kaniyang mga contacts. At hanggang ngayon, ang pangalan ni Cossette pa din ang nakalagay sa number ni Natalie. At ang pangalan naman ni Natalie ang nakalagay sa number ni Cossette.
Pagkatapos niyang maibalik sa dati ang kaniyang mga contacts ay dinelete niya agad ang number ni Natalie.
"Tss. Dahil sayo kaya kami nagkakaganto ni Cossette ngayon." Painis na bulong ni Aizekiel.
Pero naisip niya na may kasalanan din siya sa nangyari. "Kung hindi ka sana nagpadala sa tukso."
Pagsisisi niya.
Tinawagan na niya ang totoong Cossette.
"Cossette, sagutin mo na please." Sabi niya habang pinapakinggan ang pag-ring ng number ni Cossette.
Pero "The subscriber cannot be reached" lang ang sinagot nito sa kaniya.
Tumawag siya ulit, pero ganun pa din ang sagot sa kaniya.
Naisip ni Aizekiel na galit pa din si Cossette sa kaniya, pero hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit hindi sinasagot nito ang kaniyang mga tawag.
Totoo nga na galit pa din si Cossette sa kaniya, pero hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sinasagot nito ang kaniyang mga tawag.
May mas importante pang bagay na inaasikaso si Cossette.
----------------------
"I'm sorry. Pero kailangan mo nang magpa-gamot as soon as possible. Our medical equipment cannot handle your condition. You'll need to seek treatment overseas." Pagba-balita ni Dr. Ashford sa kanilang dalawa.
Binibigyan si Cossette ng gamot ng kaniyang doctor. Pero alam nila na hindi ito ang gamot para sa kaniya. Binibigay lang ito sa kaniya para maibsan ang sakit na nararamdaman niya, kahit panandalian lang.
Pero onti-onti nang lumalala ang kalagayan ni Cossette, hindi na kinakaya ng gamot na binibigay sa kaniya ang sakit.
"How worse is it?" Tanong ni Leo sa doctor.
"Stage 3 na. Kumalat na yung cancer sa kaniyang mga tissue." Sagot naman ng doctor.
"You'll need to tell him." Sabi ni Leo kay Cossette. Pero parang hindi siya narinig nito.
"Hindi na ba kakayanin ng medicine?" Tanong naman ni Cossette kay Dr. Ashford.
"Like I said before, hindi magsu-subside ang condition mo through the use of medicine. Kakailanganin mo talaga ng treatment para mawala ito." Paglilinaw ng doctor sa kaniya.
Pero kahit na anong mangyari, hindi magpapagamot si Cossette. Lalong-lalo na kung sa ibang bansa siya ipapa-gamot.
----------------
"Cossette! Lumabas kaaaaaa!" Sigaw ulit ni Aizekiel habang kinakalampag ang gate nila Cossette.
At sa unang pagkakataon, may lumabas mula sa loob ng bahay nila.
"Sir Aizekiel, wala po si ma'am dito." Sabi ni manang nang makalapit ito sa kaniya.
"Ahh ganun ba? Kanina pa ba umalis?" Tanong ni Aizekiel sa kaniya.
"Opo, sir." Sagot naman nito.
"Ahh. Oh sige, aantayin ko na lang siya." Sabi ni Aizekiel at uupo na sana ulit sa pavement.
"Naku, sir! Hindi po pwede." Mabilis na pagpigil ni manang sa kaniya.
"Sabi po ni ma'am na kapag naabutan ka niya dito ay babarilin ka niya." Dagdag pa nito.
Pagkasabi ni manang nun ay sumakay na agad si Aizekiel sa kaniyang sasakyan at umalis na.
Napaisip siya. "Ganun ba kalaki ang galit sa akin ni Cossette?"
-----------------
Author's Note:
Hiiiii! Sorry kung medyo natagalan sa pag-update.
Btw, wala akong alam tungkol sa medicine. Kaya sorry kung may mali. Hehe (:
BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...
