- Aizekiel's POV -
Nasa clubhouse kami ngayon, nung isang araw lang kami nakauwi galing Vigan at ngayon lang kami nagkaroon ng oras para magsama-sama ulit ng barkada.
"Nakipagbugbugan ka na naman?" Napansin ko kasi na may pasa si Cosette sa kaniyang panga banda.
2 araw pa lang nung huli kaming mag-kasama tapos magugulat ako may pasa na siya bigla. Kung saan-saan naman kasi nagsu-suot tong babaeng ito eh.
"Hindi ah." Sagot niya sakin habang nakatingin pa din sa screen ng kaniyang phone.
"Eh bakit may pasa ka?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Nauntog ako sa pinto eh." Sagot niya sakin na parang wala lang.
"Ganyan kalaki?" Hindi ako naniniwala na nauntog lang siya sa pinto. Napakalaki kasi ng pasa sa kaniyang mukha eh.
"Malaki yung pinto eh, bakit ba?" Sabi niya habang seryoso pa din sa paglalaro ng CoC sa kaniyang phone.
"Weeeh? Wag ka nang mag-sinungaling. Wala naman kaso kung nakipagaway ka e---" Pamimilit ko sa kaniya pero pinutol niya ang aking pagsasalita.
"Potek! Ang kulet naman eh!" Sabi niya sakin ng painis.
"Sabing yung pinto nga may kasalanan eh!" Tumayo siya at binato yung phone niya ng pagilid sa sofa.
"Di ka ba nakakaintindi? O Gusto mo ikaw yung bigyan ko ng malaking pasa?" Pagpapatuloy niya habang hinihila yung collar ng t-shirt ko.
Dahil sa higpit ng pagkakahila niya sa collar ko ay napalapit ako sa kaniya. Napatingin ako sa kaniyang mga mata at nakita ko ang kaniyang pagkainis.
"Sabi ko nga, yung pinto nga ang may kasalanan. Yung pinto naman kasi eh, hindi tumitingin sa kaniyang dinadaanan." Sagot ko sa kaniya.
Napagdesisyunan ko nang tumigil sa aking pangungulit dahil ayoko namang mag-away kami ni Cossette. At isa pa, nakakatakot kaya siya magalit. Lalo na kapag nakikipagaway siya. Mahal ko kaya buhay ko.
Pagkasabi ko naman nun ay binitawan na niya ako. Pinulot niya ang kaniyang phone at pinagpatuloy na ang kaniyang paglalaro habang naglalakad palabas ng lounge.
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad siya paalis.
At dahil seryoso siya sa kaniyang paglalaro, hindi niya nakikita ang kaniyang dinadaanan.
"Oh, ingat! Baka madagdagan pa yung pasa mo niyan eh!" Pagpapaalala ko sa kaniya nang muntikan na siyang tumama sa pinto.
Natawa sila Kaizer pero bigla silang tumigil nang lumingon si Cossette at tinignan sila ng masama.
Pagka-tapos naman nun ay ako naman ang tinignan niya.
"Gago!" Sabay tingin ulit ni Cosette sa kaniyang phone at umalis na.
Pagka-alis niya ay sumabog sa tawa ang mga kaibigan ko. Ginaya pa nila kami ni Cossette.
"Oh, ingat! Baka madagdagan pa yung pasa mo niyan eh!" Panggagaya ni Connor sa akin.
Tumayo naman si Kaizer nang nakatalikod sa amin. Bigla siyang lumingon at tinignan kami ng masama.
"Gago!" Panggagaya niya naman kay Cossette habang tumatawa.
"Oraaaaaaaaayt!" Sigaw naman ni Ace habang nagra-rock n' roll sign sa ere.
Sa gitna nang kanilang pagtatawanan ay tumayo ako at isa-isa silang binatukan.
"Ano ba kayo! Hindi pa nakalalayo yun, pag yun buma----" At tama ako, dahil biglang sumulpot si Cossette sa likod ni Kaizer na nakatalikod sa pinto na pulang-pula na sa kakatawa.
Nakita ito ni Ace at Connor kaya bigla silang tumigil sa kakatawa. Hindi sila nag-salita at para silang estatwa na nanigas sa kanilang kinatatayuan.
"Oh? Anong nangyari sa inyo? Bat bigla kayong tumigil?" Pagtatanong sa amin ng tumatawang si Kaizer nang ma-realize niya na hindi na kami tumatawa.
Nanginginig na tinuro ni Connor si Cossette na nakatayo ng tahimik sa likod ni Kaizer. Unti-unti namang lumingon si Kaizer habang unti-unting nagfa-fade ang kaniyang tawa.
Nang makalingon na si Kaizer ay bigla siyang sinuntok ni Cossette sa mukha dahilan para siya ay matumba at makatulog bigla.
"Orayt pala ah?" Sabi ni Cossette sa walang-malay na si Kaizer.
Tinaas ni Cossette ang kamay na ginamit niyang pag-suntok at gumawa ulit ng fist. Tinignan niya ito at nilipat ang tingin sa amin.
"Sino pa?" Tanong niya sa amin habang naka-fist pa din.
Nanginginig kaming sumagot sa kaniya nang pa-iling. Syempre ayaw din naming matulad kay Kaizer. Mamaya makatulog din kami eh. Ano toh? Slumber party lang ang peg namin?
Ngumiti si Cossette sa sagot namin at hinalikan ako sa cheeks bago tuluyang umalis.
Ano yun? Parang inaasar kami bigla ah. Nakakatakot siya tapos biglang naging sweet.
"Pre, naihi ako bigla sa pants ko." Sabi sa amin ni Connor habang sabay-sabay kaming tumingin sa pants niya.
"Woaaaaaah! Basa nga bro!" Sagot ni Ace nang makita namin ang basang pants ni Connor.
Pagka-tapos nun ay tinawanan namin siya at naging masaya na ulit yung mood.

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...