Kabanata 14

42 2 0
                                        

- Aizekiel's POV -

"Saturday ah? Birthday ko yun kaya madaming chicks dun! Hahaha!" Natatawang sabi sa amin ni Kaizer.

Nandito lang kami sa hallway. Pinaguusapan nila yung tungkol sa birthday ni Kaizer ngayong darating na saturday.

"Oo, 6 pa lang nandun na kami." Pabirong sagot naman ni Connor sa kaniya.

"Huy! Sino ba yang tinitignan mo?" Panggu-gulat sa akin ni Ace.

Kanina pa kasi ako nakadungaw sa baba.

Napatigil sila Connor at Kaizer sa pinaguusapan nila at tinignan din kung sino ba yung tinitignan ko.

"Ahh.. Si Cossette pala." Pag-sagot ni Ace sa kaniyang tanong nang makita niya kung sino ba ang kanina ko pa tinitignan.

"Kaya pala kanina mo pa tinititigan ah. Selos! Hahaha!" Natatawang sabi sa akin ni Connor.

Oo, pinagmamasdan ko siya dahil kasama na naman niya si Leo.

"Nako bro, mukhang inaagawan ka na talaga ni Leo ah. Hahaha!" Pagbibiro naman ni Kaizer.

"Tss. Umayos nga kayo!" Painis na sagot ko sa kanila.

"Hahaha! Ano ba kasi nangyari, bro? Bakit hindi na kayo masyadong nagu-usap?" Pagta-tanong ni Connor sa akin habang pinupunasan ang kaniyang mata na puno ng luha dala sa kakatawa niya.

"Hindi ko din alam. Basta bigla na lang siyang nag-iba pagka-tapos ng School Festival." Sagot ko sa kaniya.

Para kasing bigla na lang lumayo sa akin si Cossette. Parang may wall na sa gitna naming dalawa.

"Bigla kasing sumulpot si Leo eh. Papalitan ka na niya, lagot ka! Hahaha!" Sabi sa akin ni Kaizer habang namumula na sa kakatawa.

"Pulang-pula na yung tenga mo sa selos, Aizekiel." Sabi naman ni Ace sa akin.

"Oo nga! Hahaha!" Dagdag naman ni Connor.

Nagtawanan sila bigla ni Kaizer.

Kinurot ko ang tenga nilang dalawa para tumigil.

"Aray!" Sabi ni Kaizer.

"Eto naman! Nagbibiro lang eh." Sabi naman ni Connor sa akin.

"Anong balak mo?" Pagta-tanong ni Ace.

Napaisip ako. Ano nga ba pwede kong gawin? Honestly, wala.

"May naisip ako!" Biglang sabat ni Kaizer sa amin.

"Ano kaya kung paselosin mo si Cossette?" Pagtu-tuloy niya.

"Pwede, pwede." Paga-agree ni Connor.

"It's worth a shot." Dagdag naman ni Ace.

Napaisip ako saglit.

Alam kong sinabi ko na hindi ko magagawa kay Cossette yun, pero wala na akong ibang maisip na paraan para makuha ulit ang atensyon niya.

"Okay. I know the perfect person na makakatulong sa akin sa planong ito." Sagot ko sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para i-dial na ang number ng taong tinutukoy ko.

"Sino?" Tanong nila sa akin.

Tinitigan ko sila habang nilalapit ang phone ko sa aking tenga.

"Hello? Natalie? I need your help." Sabi ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.

My Badass GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon