- Cossette's POV -
"Wala ka ba talagang balak pumasok?" Pangungulit sa akin ni Kaelyn.
Tahimik akong nagmumukmok dito sa kwarto ko kanina. Kaso biglang dumating tong maiingay kong mga kaibigan. Ayun, niyanig bigla ang tahimik kong pagi-isip.
"Pangatlong beses mo nang tinanong sakin yan." Malamig na sagot ko sa kaniya.
Wala talaga akong balak pumasok. Madami akong makikitang bwisit dun.
"Ikaw kasi eh. Kasama mo naman kami ah, hindi ka namin papabayaan." Pamimilit ni Kaelyn sa akin.
"Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko sa kaniya.
"Please, don't see just a girl caught up in dreams and fantasies.
Please see me reaching out for someone I can't see."
"Oh, si Aizekiel na naman." Paga-abot ni Meisha ng phone ko.
Ni-reject ko lang ang tawag. Wala akong panahon makipagusap sayo.
"Hindi mo sinasagot ang mga tawag niya, ayaw mo siyang makita. Paano kayo magkakaayos niyan?" Tanong naman ni Sadie sa akin.
"Wala naman akong balak makipag-ayos eh." Sagot ko.
Pagkatapos ng nangyari, kakayanin ko pa ba siyang harapin?
"Seriously? You're just gonna let sadness take over you? Nasan na ang bayolenteng Cossette na kilala namin? Yung Cossette na hindi nagpapatalo? Hahayaan mo na lang ba na manalo si Natalie?" Pagse-sermon sa akin ni Meisha.
Parang bigla akong sinampal ng katotohanan.
Tama siya. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko maging ganto.
"Ma'am Cossette, si sir Leo po." Pumasok si manang at sumunod naman sa kaniya si Leo.
Oh, great. Isa pang bulate na mangungulit.
"Iniinom mo ba ang medication mo?" Tanong niya agad sa akin.
"Why bother? They don't even work anyway." Malamig na sagot ko.
"Kahit na! Umiinom ka pa rin dapat." Inis na sabi niya sa akin.
"Para san pa?" Sagot ko.
"Hindi porket ginago ka nung tarantado mong boyfriend ay papabayaan mo na ang sarili mo." Pagse-sermon niya sa akin.
Wow. Kakatapos lang akong sermonan ni Meisha tapos ngayon si Leo naman? Ano to? Nanay tatay?
"Ang sweet naman ni Leo!" Kinikilig na sabi ni Kaelyn.
"Cossette, kung wala kang balak sagutin si Leo, pwede bang akin na lang siya?" Dagdag pa niya.
Seriously?
"Wag ka ngang ano. Hampas ko sayo si Hunter eh." Pabirong sagot ko sa kaniya.
Tumahimik naman siya at mukhang naalala niya na may boyfriend na nga pala siya.
"Pumasok ka na kasi Cossette. Miss ko na ang pagka-bayolente mo." Pamimilit ni Sadie sa akin, kahit na hindi naman na siya nag-aaral sa MCU.
"Bukas, papasok nako." Sagot ko sa kanila. At mukhang natuwa naman sila dito.
Papasok ako dahil hindi ko hahayaan ang sarili ko na maging malungkot dahil lang sa nangyari.
Papasok ako para pag-bantaan sila.
Ako pa rin ang dating Cossette. Walang taong nakakapagtumba at lumalaban habang kinakaya.

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
Любовные романыA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...