- Aizekiel's POV -
Nag-patuloy lang ang pagpapa-selos namin kay Cossette.
Kung anu-ano na ang sinubukan namin ni Natalie. Nagtatawagan, nagke-kwentuhan, lumalabas nang kaming dalawa lang. Pero wala talaga eh, hindi talaga siya nagse-selos.
"8 PM bukas ah? Walang mawawala!" Pagpapaalala ni Kaizer sa birthday niya.
"Wag ka magalala bro, pupunta kami." Sagot ni Connor sa kaniya.
"Pupunta ka ba, Natalie?" Pagta-tanong ko naman.
Nandito kasi si Cossette. Try ko lang, baka mag-selos na.
"Oo naman!" Excited na sagot niya.
"Sabay na tayo. ^__^" Pagaaya ko. Pumayag naman siya.
"Ok ka lang, Cossette? Kanina mo pa hinihimas yang ulo mo eh." Biglang tanong ni Connor. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.
"Oo, masakit lang ang ulo ko." Sagot niya habang patuloy pa din sa pag-himas dito.
"Sure ka? Uwi ka na kaya? Pahatid ka na lang kay Aizek---" Paninigurado ni Connor.
"Ok lang siya, hangover lang yan." Pagpu-putol ni Leo sa sinasabi niya.
"Uminom kayo?! Kelan? Saan?" Biglaang pag-sabat ko sa kanila.
"Wala kang pake." Malamig na sagot ni Leo sa akin.
"May pake ako kasi girlfriend ko siya!" Painis na sabi ko.
"May pake ka pero sa iba nakatuon ang pansin mo? Wow ah!" Sagot naman niya.
Tss. Ang lakas ng loob. Hindi naman niya alam kung bakit ko to' ginagawa.
"Wala kang alam!" Sigaw ko sa kaniya.
Bago pa man namin sugurin ang isa't-isa ay biglang pumagitna si Cossette sa aming dalawa.
"Hindi kayo titigil?!" Bigla niyang hinila ang collar ng mga shirt namin, dahilan para mapayuko kaming dalawa sa sakit.
Sa kanan niyang kamay ay ang collar ko, at sa kaliwa naman niya ay ang collar ni Leo.
"Ano? Sasapakin ko kayo." Painis na tanong niya samin.
Nag-tinginan kami ni Leo.
"Sorry." Sabay naming sabi sa isa't-isa.
Napilitan lang kami. Kung hindi namin gagawin yun, malamang sa malamang ay hindi na kami masisilayan ulit ng araw.
Pagkatapos naman nun ay binitawan na kami ni Cossette.
"Tss. Ang sakit niyo sa ulo." Malamig na sabi niya samin at nag-simula nang mag-lakad palayo.
Hinabol siya ni Leo habang ako ay naiwan na nakatulala lang kay Cossette.
"Pahiram ako ng phone mo." Biglang sabi ni Natalie sa akin.
Bumalik ako sa aking ulirat at tinitigan siya bago i-abot ang cellphone ko sa kaniya.
Pagkatapos nun ay binalik ko ulit ang tingin ko kay Cossette na ngayon ay papalabas na ng gate ng School.
Iba ka talaga, Cossette. Iba ka.
- Cossette's POV -
"Cossette!" Tawag sakin ni Leo.
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng gate.
"Huy!" Sabi niya at biglang hila sa kamay ko nang maabutan na niya ako, dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
Naiinis pa din ako sa kanilang dalawa. Parang mga bata eh.
"Ano bang trip mo? Bakit mo ginanun si Aizekiel? Alam mo naman kung bakit niya ginagawa yun diba!" Painis na sabi ko.
"Alam ko. Hindi lang ako nakapag-pigil. Ayoko lang na sumobra yung pagpapa-selos niya sayo na umabot na sa puntong magse-selos ka na talaga." Sagot niya at biglang yakap sakin.
Wtf? Bakit ako niyayakap nito?
"Kung ikaw, ayaw mong nasasaktan si Aizekiel. Pwes ako, ayokong makita kang masaktan." Dagdag pa niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko tinanggal ang pagkakayakap niya sakin.
"Gaya-gaya." Pabirong sagot ko.
-----------------
Author's Note:
Hiiiiiiiiii!
Sorry kung maikli lang ang Kabanata 19. Medyo tuyo talaga ang utak ko dahil sa exam.
Thank you sa pagbabasa! ^__^
BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...