- Cossette's POV -
"Whatever happens, I'll never leave her side. Kahit ilang beses pa akong ipagtabuyan ni Cossette, kahit na pag-bantaan niya pa ng paulit-ulit ang buhay ko. Mamatay nako kung mamamatay ako, pero I'll never give up on her. Tandaan mo yan, Natalie. And there's nothing you can do para pantayan yun."
"Cossette? Pulang-pula ka pa din." Pagpupuna sa akin ni Kaelyn.
Nabalik ako bigla sa ulirat.
Bakit ba hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalis sa isipan ko ang sinabi ni Aizekiel?
"Okay, and we are done!" Naka-ngiting sabi sa akin ng doctor habang binababa ang kaniyang mga gamit.
8 stitches.
Tinitigan ko ang kamay ko na kanina lamang ay duguan. At ngayon na malinis na siya, na-realize ko kung ano ba ang nagawa ko sa sarili ko.
I inflicted pain towards myself for a guy.
Pero....
He isn't just an ordinary guy.
He's my boyfriend, and I would inflict pain towards myself a hundred times if I had to. Just to make sure that no one gets in our way.
Fuck? Kelan pa ako naging ganun ka-cheesy? Baduy! Ang baduy, Cossette!
"Masakit?" Tanong naman ni Leo sa akin. Mukhang napalalim na naman ang pagi-isip ko.
Bago pa man ako maka-sagot sa kaniya ay inunahan na ako ni Kaelyn.
"Paano niya mararamdaman yung tahi eh si Aizekiel lang ata ang iniisip! Tignan mo nga yan, pulang-pula!"
Tinitigan nila ako parehas.
"Don't tell me naniniwala ka sa mga sinabi niya kanina?" Pagtatanong ulit sa akin ni Leo.
"Well....." Nanghihinayang kong sagot.
"He did sound sincere.." Dagdag ko pa.
"Nako, Cossette! For sure ang hirap nun para kay Aizekiel. Biruin mo ah, bihira yun sumali sa mga arguments. Ewan ko na lang kung di mo pa siya papatawarin after ng ginawa niya." Pagpapaalala naman ni Kaelyn.
Sabagay. Hindi naman sumasali sa Aizekiel tuwing may nagkakainitan eh. Wala yun sa nature niya. At understanding person siya. So kung nagawa niyang sagutin si Natalie nang walang pagda-dalawang isip, he must've meant what he said. Diba? Naramdaman niya siguro na kailangan niya magsalita agad?
Haaaays! Ewan!
"Nakausap ko siya kanina." Sabi ko sa kanilang dalawa habang nakatingin lang sa sahig.
Bigla ko tuloy ulit naalala.
"Oh? Anong sabi mo?" Pagtatanong ni Kaelyn.
"Sinapak ko siya. Tas sabi ko, pag kumaliwa pa siya ulit, babasagin ko na talaga mukha niya." Plain na sagot ko sa kanila.
"Tama yun. Tutulungan pa kita." Pagsangayon ni Leo sa akin. Mukhang kumalma na siya kahit papaano.
"So... Pinapatawad mo na siya?" Pagtatanong naman ni Kaelyn sa akin.
Napaisip ako bigla.
Hmm... Napatawad ko na nga ba siya?
"Ahh.. Oo. Siguro naman di na niya uulitin yun." Sagot ko.
"Ang bilis mo din magpatawad noh?" Painis na sabi ni Leo habang inaayos na ang mga bayarin sa counter ng ospital.
"Sa kaniya lang. Sa iba, wala akong patawad na maibibigay." Sagot ko.
"Ang swerte naman niya." Malamig na sagot naman ni Leo.
"Oh ano, hatid ko na kayo?" Paglingon niya sa amin ni Kaelyn.
"Ako wag na. Kaya ko naman mag-drive eh. Magmo-motor na lang ako pauwi." Sagot ko sa kaniya.
"Sa kalagayan mong yan? Tss. Wag na. Baka mamaya di lang kamay mo ang may tahi." Sagot naman ni Leo sa akin.
"Oo nga, Cossette. Mahirap na. Sumabay na lang tayo dito kay Leo. Kahit ngayon lang. Medyo fresh pa kasi sugat mo sa kamay eh." Pagsangayon naman ni Kaelyn kay Leo.
Sabagay. May point naman sila.
"Oo na, sasabay nako." Pagpayag ko.
Tumango naman si Leo at mukhang relieved na ang kaniyang itsura dahil sa pagpayag ko.
"Please don't see, just a girl caught up in dreams and fantasies."
Tinitigan ko ang screen ng aking phone para makita kung sino ang tumatawag.
"Oh? Si Aizekiel. Di mo ba sasagutin yan?" Pagtatanong ni Kaelyn nang mapatingin din siya sa screen ng phone ko.
"Oh bakit?" Pagsagot ko sa tawag at bilang pagsagot ko na din sa tanong ni Kaelyn.
"Antayin ka namin ah." Pabulong na sabi sa akin ni Kaelyn at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Ok ka na ba? Galit ka pa din ba sakin?" Pagtatanong niya.
"Ewan." Malamig na sagot ko sa kaniya.
Sa totoo lang, di nako galit sa kaniya. Wala lang talaga ako ngayon sa mood para kausapin siya.
"Haaays! Ano ba pwede kong gawin para di ka na magalit? I'll do anything." Malungkot na tanong naman niya.
"Anything ha? Alright. Susunduin kita sa wednesday. 8 AM. Sharp." Sagot ko at binaba na ang tawag.
Napasmirk ako bigla.
"Mukhang masaya to." Mahinang sabi ko sa aking sarili.
-------------------------------
Hi guuuuuuys! So eto na ang Kabanata 25. :D
Sorry kung sobrang natagalan. Medyo short kasi ako sa ideas eh. Sana maintindihan niyo. ^__^
Don't worry, sa tuwing may maiisip akong UD, ipa-publish ko agad para makabawi ako sa inyo. :))
Sana ma-enjoy niyo yung update! :DD Salamat!

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...