- Cossette's POV -
Nasa clubhouse kami ngayon ng clan namin para sa meeting.
"Ilang weeks na lang. Magta-tapat tapat na ulit ang mga Rank A's. You know what that means." Pagpapaalala ng Clan Leader namin.
Ang mga dumaan na Clan War na sinalihan namin ang nakapag-determine ng mga mabibilang sa mga Rank A. Ang mga Rank A na yun ay yung mga Clan na may magagandang standing.
"Valens Cup." Sagot ko habang nakatingin lang sa sahig.
Ang Valens Cup ay ginagawa para malaman kung sino ang pinaka-malakas sa lahat ng Clans. At ang mananalo ay ang magpo-protekta sa main clan. Isang clan na binubuo ng pamilyang Hawthorne.
May mga main clan din sa ibang bansa. At katulad ng main clan dito sa Pilipinas, may mga malalaking kumpanya sila. Kaya kung matutumba ang main clan, malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya.
Deadly man ang trabaho ng mga makakakuha ng posisyon nito, pero madami pa din ang gustong manalo. Bukod sa malilinis ang criminal history mo, ay makakakuha pa ng safety at security ang family mo.
"Kailangan nating bantayan si Cossette. Malamang ay siya ang pinaka-tatargetin ng mga kalaban." Sabi ni Leo sa mga ka-clan mates namin.
Tss. Di ko kailangan ng bantay.
Tinitigan niya ako na para bang may gusto siyang sabihin.
"Tama, coveran niyo siya. They know what she's capable of, for sure pagtu-tulungan si Cossette." Pagu-utos ng Clan Leader namin sa mga ka-clan mates namin.
Sumangayon naman ang lahat at naging tahimik bigla ang Clan Leader namin.
"Kung wala ka nang sasabihin, mauuna nako." Sabi ko sa kaniya at nag-simula nang mag-lakad papalabas ng lounge.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mukha namang wala na talagang sasabihin ang Clan Leader namin dahil hindi naman niya ako pinigilan sa pag-alis ko.
Naglalakad na ako sa hallway nang may sumunod sa akin.
"Inom tayo." Pagaaya niya.
Tss. Boses ni Leo.
Sinusundan na naman ako netong bulate na toh.
Hindi ako sumagot at nag-patuloy lang ako sa paglalakad ko palabas. Nag-patuloy lang din siya sa pag-sunod sa akin.
Habang inaayos ko ang aking motor ay napatingin ako sa kaniya at nakatitig lang siya sa akin.
"Ano?" Painis na tanong ko sa kaniya.
"Ang sabi ko, inom tayo." Pagaaya niya ulit.
Hindi ako sumagot, hinagis ko na lang ang isang helmet sa kaniya. Siguro naman ay sapat na sagot na yun para sa kaniya.
Pagka-tapos ay sinuot ko na ang helmet ko at sumakay na sa aking motor. At ganun din naman ang ginawa niya.
------------
"Isa ngang Negroni." Pago-order ko ng inumin ng makaupo na kami sa cocktail bar.
"Vieux Carre lang sa akin." Pago-order din niya.
Ang ingay dito sa club. Nakakarindi.
Maya-maya pa ay sinerve na ang alak namin.
"Ok ka lang?" Tanong niya sa akin.
"Bakit naman ako hindi magiging ok?" Sagot ko at uminom na ng alak.
"Ang sama kasi ng tingin mo kanila Aizekiel eh." Sagot niya sa akin.
Naalala ko bigla ang nangyari kahapon.
"Ah, yun ba?" Sagot ko habang unti-unting ngumingiti.
Uminom muna ako ulit bago mag-salita.
"Pinapa-selos niya ako." Medyo natatawang sabi ko.
Nagtaka siya.
Nilabas ko ang cellphone ko at pinakita ang text ni Ace sa akin.
"Easyhan mo lang si Aizekiel ah. Ginagawa niya lang yan para makuha ang atensyon mo." Nakalagay sa text.
"Bakit kasi nilalayuan mo siya?" Pagta-tanong sa akin ni Leo nang maintindihan na niya ang nangyayari.
"Mas maganda kung malayo na ang loob niya sakin pag nawala na ako, para hindi na ganun kasakit. Ayokong makaramdam siya ng kahit na anong klase ng sakit." Sagot ko.
"Wow, you love him that much? You'd rather fight alone just to protect him?" Pamamangha niya.
"Wow, wala na talaga akong pagasa." Pabirong dagdag niya habang umiinom ng alak.
Tss. Panira naman ng moment to' eh. Minsan na nga lang ako mag-open up, magbibiro pa siya. -_-
"Gago." Malamig na sabi ko sa kaniya bago uminom ulit.
Napangiti siya bigla.
Di ko maintindihan tong lalake na toh. Minura mo na ngumingiti pa.
-------------------
Author's Note:
Thank you nga pala sa mga kaibigan ko na tumutulong sa akin para makapag-update. Salamat sa mga suporta niyo! ^__^
BTW, kung mas gusto niyo pa malaman ang tungkol sa Valens Cup o kung gusto niyo pang malaman ang mundo ng mga clans, abangan niyo lang ang story ni Leo. Magiging available din siya soon.

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomantikA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...