Kabanata 4

89 3 0
                                    

- Aizekiel's POV -

July 29 na ngayon, anniversary namin ni Cossette. Papunta na ako sa meeting place namin, 5 AM pa lang pero magki-kita na kami dahil ba-biyahe pa kami ng malayo.

Susunduin ko dapat siya sa bahay niya kaso may Clan Meeting pa daw sila, sinabi ko na dun na lang sa kanilang clubhouse ko siya susunduin pero sabi niya masyado daw delikado. Kaya ayun, dito sa convenience store na lang kami magki-kita.

Pagka-liko ko ng sasakyan ay nakita ko na agad siya na nakatayo sa labas ng convenience store, naninigarilyo. Haaaaysst. Sinusunog lang niya lungs niya eh.

"You're late." Sabi niya sakin nang makalapit na ako. Pagka-buga niya ng usok ng kaniyang sigarilyo ay pinitik niya ito at hinarap ako.

"Nice shirt." Pagbati ko sa kaniya. Hindi siya nag-bihis ng pang-special occasion. Naka-combat boots lang siya, jeans at camouflage na tank top.

"Thanks." Sagot niya sakin. Binigay niya sakin ang kaniyang mabigat na bag at pumasok na sa sasakyan. Nilagay ko naman ang bagahe niya sa trunk habang tinitignan siya na nakaupo sa passenger seat.

I don't have to open doors for her, ayaw niyang ginagawa ko yun. I'm a proper man and she is a carefree woman. Hindi ko alam kung paano namin napapagana ang aming relationship, but we make things work. And I'm happy we do.

Ini-start ko na ang sasakyan at nagsimula nang mag-drive papuntang Vigan, doon namin ice-celebrate ang aming anniversary.

Tahimik ang naging biyahe namin. Titigil lang sa stop-over, kakain, tapos bi-biyahe na ulit. Walang nagsasalita sa amin. Ganito kami ni Cossette. Hindi kami nagke-kwentuhan o nagu-usap ng matagal pero pag nag-hiwalay kami pagka-tapos namin magsama, you feel like it was the best conversation you ever had. Yung pressence lang naming isa't-isa ay sapat na.

Nakarating kami ng 9 AM, walang traffic kaya mabilis ang naging biyahe namin.

Binaba na namin ang mga bagahe namin at nag-check in na sa hotel na aming sta-stayan. 2 days lang kami dito dahil kailangan na namin pumasok ng tuesday. Hindi naman kami pwedeng mag-absent ng matagal.

Alam naman ng parents namin ang tungkol dito, at walang problema sa kanila na mag-celebrate kami ng kaming dalawa lang. Close naman ang families namin ni Cossette kaya halos lumaki na kaming magkakasama. Parang pamilya na namin ang pamilya nila, at ganun din sila sa amin.

Pagka-pasok namin ng aming hotel room ay inayos na namin agad ang mga gamit namin. Nauna nang nag-shower si Cossette kaya nilibot ko muna ang hotel room na nakuha namin.

Malaki yung kwarto na nakuha namin, maganda ang lighting at maaliwalas ito.

Ops, alam ko yang iniisip mo. Magkasama kami sa iisang kwarto, at kaming dalawa lang. Pero hep hep hep, walang milagrong magaganap. HAHAHAHA! Sorry sa umasa. XDD

Ang kinuha naming kwarto ay may dalawang hiwalay na higaan, ayaw namin matulog ng magkatabi. Sorry but we're not that kind of couple.

Oo na brad, alam kong umasa ka. Pero sorry talaga, ako na nagsasabi sayo, wala talagang milagrong magaganap. XDD

Pagkatapos maligo ni Cossette ay ako naman ang nag-shower. Binuksan ko yung heater at nagsimula nang maligo. Medyo natagalan ako sa pagligo pero ok lang kasi medyo maaga pa naman at hindi naman kami nagmamadali.

Pagkatapos ko mag-bihis ay nag-order na kami ng breakfast namin. Nagpa-room service na lang kami dahil tinatamad kaming bumaba sa restaurant ng hotel.

Habang kumakain ay nanonood lang kami ng palabas. Nagpalipas na lang din kami ng oras sa panonood ng movie. Medyo pagod kasi kami kung magi-ikot kami agad at masyado namang mataas ang araw kung sa tanghali kami magli-libot.

Nang hindi na masyadong mainit ay lumabas na kami ni Cossette. Dumaan muna kami sa Baluarte tapos pumunta kami ng Hidden Garden, kumain din kami dun ng bagnet.

Pagkatapos ay dumaan kami sa Calle Crisologo at sumakay ng kalesa.

Nung medyo madilim na ay kumain naman kami ng empanada at nagtingin-tingin na sa mga souvenir shops.

Tumigil kami sa gitna ng Calle dahil naalala ko yung regalo ko sa kaniya.

"Happy Anniversary nga pala. ^_^" Paga-abot ko sa kaniya ng regalo.

Binuksan niya ito. "Akala ko bibilhan mo ako ng pambabae eh, sapakin sana kita eh. HAHAHA!" Sabay siko niya sakin. Mukhang natuwa naman siya sa regalo ko dahil sinuot niya ito agad.

"It's to keep you safe." Sabi ko sa kaniya.

"Corny mo." Natatawang sagot niya sakin.

"Hep, hep, hep. Anniversary gift ko yan." Tumalikod siya at hinawakan sa balikat yung lalake na kakadaan lang.

Nagulat ako, hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

"Anong pinagsasabi mo?" Galit na tanong nung lalake.

"Wag na tayong mag-gaguhan kuya, alam ko na alam mo ang sinasabi ko. Yang box na nasa loob ng jacket mo." Tinignan siya ng lalake na may expression sa kaniyang mukha na patanong. Kaya hinila ni Cossette yung braso nung lalake at pinulupot ito sa kaniyang likod, nagsimula nang umaray yung lalake sa sobrang higpit ng pagkakapulupot sa kaniyang braso.

Masyadong maraming tourista sa paligid namin kaya walang nakakapansin samin.

"Ibalik mo na kung ayaw mo pang masaktan." Tinitigan na siya ni Cossette ng nakakatakot. Aaaminin ko, pati ako natatakot na.

"E-eto na po, s-sorry po." Kinuha ng lalake yung box na tinutukoy ni Cossette. Nang maabot na sa kaniya ito ay pinakawalan na niya yung lalake.

Mabilis namang tumakbo palayo yung lalake.

"Pano mo nalaman yun?" Tanong ko kay Cossette.

Nagtataka ako kung paano niya nalaman na ninanakawan na siya. Eh, nakatalikod siya dun sa lalake. Ako nga mismo na nakaharap eh hindi ko napansin na dinudukutan na pala siya.

"Yung alin?" Tinaas niya ang isa niyang kilay. Mukhang hindi niya alam yung tinutukoy ko.

"Na ninakawan ka nung lalake." Paglilinaw ko. Mukhang naiintindihan na niya yung sinasabi ko kasi lumiwanag na yung expression sa kaniyang mukha.

"Ahh.... Nagpi-pickpocket kasi ako dati." Sambit niya na parang wala lang sa kaniya yung nangyari. "Ayy, happy anniversary nga din pala." Sabay abot niya sakin ng box na ninakaw nung lalake.

Tinitigan ko siya at tatanungin pa dapat tungkol dun sa nangyari pero mukhang naka-move on na siya agad kaya hindi na ako nagtanong pa.

Binuksan ko naman yung regalo niya sakin at bumungad sakin ang isang silver cuff bracelet na panglalake, meron itong birthstone naming dalawa at nakalagay ang salitang "always."

Natuwa ako sa regalo niya sakin kaya sinuot ko ito agad gaya ng pag-suot din niya agad ng regalo ko sa kaniya. Parehas na naming suot-suot ang regalo namin para sa isa't-isa.

Naglakad na kami pabalik sa hotel pero hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung nangyari kanina.

Nagpi-pick pocket siya dati? Bakit hindi ko alam?

Gaano karami ba ang hindi ko alam tungkol sa girlfriend ko?

My Badass GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon