- Cossette's POV -
"Ok class ang lesson natin para sa araw na ito ay Polynomial Functions." Haaaay. Nakakaantok naman.
Mas nakakaaliw pa tignan yung mga ibon sa labas ng bintana.
"Miss Von Stein! Nakikinig ka ba?" Tanong sa akin ng professor namin.
"Of course." Tamad na sagot ko sa kaniya.
"Eh bakit sa bintana ka nakatingin?" Tanong niya sa akin.
"Para naka-harap yung tenga ko sa inyo. I'm all ears Mr. Garcia." Mapanlokong sagot ko.
"Talaga lang ah? Sige, kung talagang nakikinig ka." Pangha-hamon niya sa akin.
Biglang nag-tinginan sa amin ang mga kaklase ko.
Math teacher namin siya, of course mahihirap ang lesson sa college. And I'm sure nakatingin sila sa akin para makita akong mapahiya.
"Ie-excuse mo ba ako sa klase niyo pag nasagot ko yan?" Kalmadong tanong ko sa kaniya.
"Oo naman." Confident na sagot naman niya sa akin.
Tumango ako at nag-tanong na siya.
"If P(x) = 2x^4 - 3x^2 + 4x + 5, what is P(2)?" Tanong ng professor namin.
"Hindi niya masasagot yan." Narinig kong bulong ng mga kaklase ko.
"33." Mabilis na sagot ko. Napanganga yung professor namin pati na din ang mga kaklase ko.
"Impossible! Saan mo nakuha ang sagot? You weren't even listening!" Naiinis na sabi niya sa akin habang naglalakad na ako papunta sa pinto.
"Ang baba naman ng tingin mo sa akin, Mr. Garcia." Sabi ko. Tumigil ako sa tapat ng pinto ng classroom namin.
"Baka nakakalimutan mo, sir. Straight A student ako." Pagpapatuloy ko at tuluyan nang lumabas ng classroom.
Nagla-lakad na ako papunta sa parking lot ng school nang marinig ko ang boses ni Aizekiel.
Kasama niya si Natalie.
"Tss. Mga baliw." Pinagmasdan ko lang sila saglit at binalik na ang aking tingin sa hallway.
Dumiretso na ako sa aking motor para makauwi na. Alam ko ngayon ang uwi nila mama at papa eh.
---------
"Good afternoon po, ma'am Cossette." Pagbabati sa akin ni manang sa may pinto.
"Manang, nandiyan na ba sila mama at papa?" Tanong ko sa kaniya bago pumasok ng bahay.
"Opo, kararating lang po nila." Sagot niya sa akin.
Pagka-pasok ko ay nakita ko agad si mama at papa sa living room.
"Ma, kamusta po pala yung kontrata niyo sa Hong Kong?" Pangangamusta ko nang makalapit na ako sa kaniya.
"Ayun, we landed a new deal." Sagot niya sa akin habang abalang-abala sa kaniyang ginagawa.
"Para saan po ya-----" Pinutol niya agad yung sasabihin ko.
"Sorry Cossette, but I'm in a hurry. May meeting pa kami in an hour kaya kailangan ko pang maghanda." Sabi niya at umalis na.
Bigla ko namang nakita si papa na inaayos ang kaniyang tie habang may kausap sa kaniyang phone.
"Ok, I'll be there in 15 minutes." Sabi niya sa kaniyang kausap at binaba na ito.
Nilapitan ko siya para makausap."Kararating mo lang, pa. Tapos aalis ka na agad?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, sorry anak. May business trip ako ulit, sa 14 na ulit ang balik ko." Sagot niya sa akin habang hinahalikan ang aking noo.
"Don't worry, lalagyan ko ng 75,000 yung bank account mo para may pang-gastos ka habang wala ako. Just tell me if you need more, magpapadala na lang ako." Tss. Ano namang gagawin ko sa pera?
"Lagi na lang." Painis na sabi ko habang kini-clench ang fist ko na hawak-hawak ang medical results.
"We'll talk when I get back." Sabi niya at umalis na.
Pinagmasdan ko siyang naglalakad palayo hanggang sa makalabas na siya ng bahay.
Lagi na lang silang busy, lagi na lang silang wala sa bahay.
Marami nga kaming pera pero binibili naman ng pera ang oras ng mga magulang ko.
Ini-angat ko ang medical results na hawak-hawak ko at tinitigan ito.
"Tss." Painis na sabi ko sa aking sarili at nilukot ito.
Ang sarap mambugbog.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito.
"Manang, pakihanda nga yung Training Room." Pagu-utos ko.
------------
Author's Note:Hey hey hey! Sorry ngayon na lang ulit nakapag-update. Intrams kasi eh. MWEHEHE.
Btw, pagbigyan niyo na yung polynomial function ko kahit mali. Hindi talaga ako magaling sa math eh.
<(_ _)> *Gomenasai*

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomanceA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...