Kabanata 16

42 3 0
                                    

- Aizekiel's POV -

"Hey!" Bati sa akin ni Natalie nang magka-salubong kami.

Binati ko din siya at medyo nag-kwentuhan kami ng onti.

"Manonood ka ba ng laro mamaya?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman, maglalaro mga kaibigan ko eh." Sagot ko sa kaniya.

May laban kasi ngayon ang varsity ng MCU.

"Ahh... Sila Kaizer and Ace, right?" Tanong niya.

"Yup." Sagot ko.

"Mamaya pa naman start nun diba? Lunch muna tayo." Pagaaya niya sa akin. Pumayag naman ako dahil may 2 hours pa naman bago ang laro.

Sumakay kami sa sasakyan ko at lumabas na ng campus. Wala namang kaso kung aalis kami since lunch time naman at nagha-handa ang school para sa laro mamaya.

Naging mabilis ang biyahe namin, wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa restaurant na kakainan namin.

"Anong order mo?" Tanong ko sa kaniya habang tumitingin sa menu.

"I'll have a Caesar Salad and one Clam Chowder." Sabi niya sa waiter.

"Ako naman Steak lang." Pago-order ko.

"So ano, kamusta naman? Nakakausap mo na ba?" Tanong niya sa akin habang naka-tingin lang.

Ano bang meron sa tingin nito? Parang may iba. Ano kayang problema niya?

"Hindi pa nga eh. Ganun pa rin siya." Sagot ko sa kaniya.

"Ok lang yan, siguro kulang pa yung ginagawa natin." Sabi niya.

"Siguro nga." Sagot ko naman sa kaniya.

"Alam mo, parang may hindi siya sinasabi sa akin eh. Parang may tinatago siya." Dagdag ko.

"Oh really?" Tanong niya sa akin habang nagsi-smirk.

Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at pinatong ang kaniyang chin sa kaniyang mga daliri na para bang interesado siya o may gusto siyang malaman mula sa akin.

"Ano kaya sa tingin mo yung hindi niya sinasabi sayo?" Dagdag niya habang nakatingin pa rin sa akin ng mapanloko.

"That, I don't know." Sagot ko.

Tinitigan niya lang ako na para bang naaaliw sa akin.

Biglang dumating ang aming order kaya nagsimula na akong kumain. Pero si Natalie ay nakatingin pa din sa akin habang unti-unting sumusubo ng pagkain.

Nakakapagtaka naman tong babaeng toh.

-------------

Nakarating kami sa MCU Stadium bago pa man mag-simula yung laro kaya nandito muna kami sa backstage para samahan sila Ace at Kaizer.

"Nandito si Cossette." Sabi ni Ace sa akin habang nakatingin sa direksyon ni Cossette.

Nag-nod sa akin sila Connor para sabihin na simulan na ang plano.

"Natalie, eto na ang pagkakataon mo oh!" Pagsi-simula ni Kaizer.

Nilaksan namin ang boses namin para marinig talaga ni Cossette.

Pinapa-selos namin siya.

"Ayan na si Aizekiel oh! Kausapin mo naman." Sabi naman ni Connor kay Natalie.

Ang plano namin? Kunwari ay may gusto sa akin si Natalie at ine-entertain ko siya. I know, ang harsh. Pero eto lang ang naisip nilang gawin namin eh.

"Alam ko na! Tabi na lang kayo Aizekiel!" Pagsu-suggest naman ni Kaizer.

Sumulyap ako sa kinatatayuan ni Cossette at parang wala lang siyang pake sa nangyayari. Kausap niya pa rin si Leo.

"Tama! Mag-tabi kayo sa front seat." Pagda-dagdag naman ni Connor.

"Uy! Wag na, grabe kayo. Nakakahiya kay Aizek---" Sabi ni Natalie pero pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Good idea!" Sabi ko sa kanila.

Pa-simple akong tumingin ulit kay Cossette at nakita ko silang palabas na ng backstage.

"Ano, tara?" Tanong ko kay Natalie habang ngumingiti.

Pinagtulakan nila kami para mag-mukha kaming inaasar. Alam kong medyo weird etong ginagawa namin dahil baka isipin ng iba na playboy ako, pero ginagawa ko lang to' para makuha ko ulit ang atensyon ni Cossette.

At sa ngayon, mukhang kulang pa ang ginagawa namin.

Dumiretso na kami sa loob mismo ng stadium at umupo na sa designated seat namin.

Pagkaupo ko ay hinanap ko agad kung saan nakaupo sila Cossette at Leo.

Makatapos ang ilang pabalik-balik na tingin, nakita ko sila na kasama sila Meisha, Kaelyn at Sadie sa side ng mga taga-Rodriguez Valentine University.

Ang mga RVU ang kalaban ng MCU ngayon. Invited ang lahat ng students para suportahan ang kani-kanilang mga team.

Nagke-kwentuhan silang apat habang busy naman si Leo sa kaniyang phone.

Naisipan kong manood ng laro nang biglang inilapit ni Natalie ang kaniyang mukha sa aking tenga.

"Nakatingin siya. Magkunwari kang natatawa sa sinabi ko." Bulong niya sa akin. Ginawa ko naman ang sinabi niya habang unti-unting sumulyap sa direksyon nila Cossette at napansin na nakatingin nga siya sa amin.

Pinagmasdan ko lang si Cossette habang bumubulong pa din si Natalie sa tenga ko at patuloy pa rin ako sa kunwari kong pagtawa.

Pagka-tapos ay ako naman ang bumulong kay Natalie at nagkunwari siyang tumawa sa sinabi ko.

Nabigla ako nang yakapin niya ako. Wala sa usapan namin ang physical contact na ganito. Pero wala naman sigurong masama kung hindi ko ito bibigyan ng malisya.

Pero sobrang lapit kasi namin sa isa't-isa. Naiilang ako.

Habang nakayakap pa din si Natalie sa akin ay binulungan ko siya ng dahan-dahan para magmukha akong nakikipag-flirt sa kaniya.

Nilayo ko ang ulo ko pagka-tapos at tumingin sa direksyon ulit ni Cossette.

Naka-cross ang kaniyang mga braso. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mukha. Para siyang emotionless. Napakalamig lang ng tingin niya sa amin.

Kinakalabit siya ni Leo na may pagta-tanong sa kaniyang mukha pero hindi siya pinapansin nito.

Napatingin na lang siya sa direksyon namin at mukhang napagtanto na niya kung ano ang tinititigan ni Cossette.

"Mukhang gumagana na, Natalie." Sabi ko sa kaniya habang naka-tingin pa din sa direksyon nila.

Pinulupot ni Natalie ang kaniyang kamay sa aking braso para mas mag-mukha kaming sweet.

Biglang namang nilabas ni Cossette ang kaniyang phone.

Tinitigan ko lang siya habang nakatingin lang siya sa screen ng cellphone niya.

Maya-maya onti ay bigla namang nag-vibrate ang aking hita kaya kinuha ko ang phone ko na nakalagay dito.

1 text message from Cossette Von Stein <3

Oo, may heart talaga akong nilagay. Don't judge. Maiintindihan niyo din ako pag nag-mahal na kayo.

Binuksan ko ang message niya.

"Nice try." Text niya.

Tumingin ako ulit sa kaniya at bigla siyang nag-smirk bago inalis ang kaniyang tingin sa akin at nanood na ng basketball.

Akala ko na onti na lang ay mapapa-selos na namin siya, pero hindi pa pala.

Pero bakit siya nag-text ng "nice try"? Alam niya ba?

My Badass GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon