- Author's Note -
Dedicated ang chapter na ito sa aking mahal na kaibigan na si nepharious! Thank you sa paggawa ng maganda na bagong book cover nitong MBG!
---------------------------------------------
- Cossette's POV -
Napagilid ng onti ang aking mukha nang masapak ako ng katapat ko.
Kanina pa kami dito na nakikipag-basagan ng ulo pero ngayon lang may nakasapak sa akin.
Naramdaman ko bigla na may tumulo mula sa aking labi.
Pinahid ko dito ang likod ng aking palm para tignan kung ano yung tumulo.
Hmm. Dugo lang pala.
"Nice." Sabi ko sa kaniya habang unti-unting nagsi-smirk. Medyo nabigla ang katapat ko nang makita akong ngumiti.
"My turn." Pagpapatuloy ko at mas nilakihan pa ang aking pag-smirk. Kasabay naman nito ay ang pag-sapak ko sa kaniya hanggang sa bumagsak na siya sa sahig.
Nakabugbog pa ako ng tatlo bago ako maubusan ng mga katapat.
Wala nang natira sa aming mga kalaban maliban sa kanilang Clan Leader.
"Cossette, alam mo na gagawin mo ah." Pagu-utos sa akin ng aming Clan Leader. Lumingon naman ako sa kaniya.
"Haaay, ako na naman?" Pagre-reklamo ko na may halong pagbibiro. Syempre, gusto ko itong gagawin ko.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo mula sa aking bulsa at sinindihan ito bago mag-lakad papalapit sa Clan Leader ng aming kalaban.
"Paano ba yan? Nakikita mo naman ang paligid mo di ba?" Sabi ko sa kaniya nang makalapit na ako.
Sa puntong ito, pinapanood na lang kami nila Leo at ng iba pa naming ka-clan mates. Actually, naka-ngiti pa yang mga yan for sure. Naaaliw silang nakikita ako na may binubugbog.
"Bibigyan kita ng choice o option." Kalmadong sabi ko sa kaniya habang kino-corner siya.
"Su-surrender ka o matutumba ka ng nasasaktan. Easy way or the hard way bro, ikaw rin. I'll let you choose." Pananakot ko sa kaniya habang umiihip sa aking sigarilyo.
Natagalan siya sa pagsalita dala siguro ng sobrang takot sa akin. Nakita naman niya siguro kung paano naubos ang kaniyang mga ka-clan mate.
"I-I su-surrender." Nanginginig na sagot niya sa akin.
Clan Leader ba talaga toh? Bakit parang babakla-bakla. Haaaaaaaaaysstt, sayang. Akala ko pa naman maaaliw ako.
Umihip ako ng isa pang beses sa aking sigarilyo.
"Too bad, nakapili na ako para sa'yo." Sagot ko sa kaniya. Kasabay nito ay ang pag-buga ko sa usok ng aking sigarilyo at pag-pitik nito palayo.
Hinila ko siya papalapit sa akin at tinuhod ko siya sa kaniyang sikmura dahilan para mapayuko ito sa sakit.
Una sa lahat, hindi na siya pwedeng sumurrender dahil ubos na ang kaniyang mga members. Alam ito ng lahat ng Clans.
Pangalawa, wala siyang kwentang Clan Leader dahil hindi niya man lang nagawang labanan ako.
Pinulupot ko ang kaniyang kaliwang braso at inumpog siya sa pader.
Dinukot ko ang kaniyang wallet mula sa kaniyang bulsa at binuksan ito.
Tss. Pulube.
Kumuha ako ng 500 mula rito at tinira ang 20 pesos sa kaniyang wallet.
"Oh, pamasahe mo." Pabirong sabi ko sa kaniya habang inaabot ang wallet sa kaniyang palad.
Sinapak ko siya ng isang beses at natumba agad siya sa sahig.
"Tss. Wala, mahina toh." Sabi ko sa aking sarili. Sinipa ko ang Clan Leader ng kalaban sa huling pagkakataon bago siya iwanan na walang malay sa sahig.
"Iba ka talaga Cossette!" Pagpupuri sa akin ng isa naming clan mate.
Hindi ko siya pinansin. Hindi dapat bigyan ng puri ang pakikipagbugbugan. Walang kapuri-puri sa ginagawa namin.
Nagpaalam na ako sa kanila at kumuha na naman ako ng isang stick ng sigarilyo mula sa aking bulsa habang naglalakad papalayo sa kanila.
Bago ko pa man masindihan ang sigarilyo ko ay napatigil ako sa harap ng aking motor.
Bigla na lang akong napaubo ng napaubo.
"Ok ka lang, Cossette?" Napalingon ako dahil sa tanong ni Leo habang patuloy pa rin sa pag-ubo.
"Ok la---" Napatigil ako bigla nang makita ko ang aking kamay na pinantakip ko habang umuubo.
"Cossette?!" Nanlaki ang mga mata ni Leo nang makita din ang nakikita ko.
May dugo yung kamay na pinantakip ko.
Nanigas ako bigla sa aking kinatatayuan.
"I'll take you to the hospital." Natatarantang sabi sa akin ni Leo. Hindi na ako nakapag-salita. Hinigit na lang ako bigla ni Leo pasakay sa aking motor at minaneho na ito.
Anong nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan kung bakit ako umubo ng dugo.
Hindi naman masyadong kalayuan ang ospital dito at naging mabilis ang pagma-maneho ni Leo, kaya nakarating kami agad sa ospital sa loob ng 10 minutes.
Wala masyadong tao dito kaya inasikaso kami agad.
Pagkatapos nila akong check up-in ay pinag-CT Scan na nila ako at kumuha na din sila ng sample ng aking sputum.
Nag-hintay kami ng ilang oras hanggang sa dumating na ang results.
"Ma'am, sir, Dr. Ashford is ready to see you. Nasa kaniya na po ang results." Sabi sa amin ng nurse.
Mabuti na lang dumating na ang results. Onting-onti na lang kasi ay mananapak na ako sa kakahintay.
"Sige, salamat." Sagot ni Leo sa nurse.
Dumiretso na kami agad sa office ni Dr. Ashford.
"Hello." Naka-ngiting bati niya sa amin nang makapasok na kami sa kaniyang office.
Pinaupo naman niya kami agad at inalukan ng lollipop.
"Ano na Doc?" Naiinip na tanong sa kaniya ni Leo. Hindi ko siya maintindihan, mas mukha pa siyang nagaalala sa results kesas sa akin.
"Wag kayong mabibigla..." Pagsi-simula ni Dr. Ashford. Nawala bigla ang ngiti sa kaniyang labi.
Tinanggal niya ang kaniyang salamin at bumuntong-hininga bago ituloy ang kaniyang pagsa-salita.
"I'm sorry, Cossette. But you have Stage 2 Non-Small Cell Lung Cancer." Nabigla kami ni Leo.
In-explain naman ng doctor sa amin kung ano yun at ang mga stages nito.
"Is there treatment for that?" Tanong ni Leo sa kaniya.
"We can try different therapies, chemotherapy, targeted therapy. And of course, surgery. Pero magiging madalas ang treatments." Sagot ni Doc.
Medyo nag-usap pa sila ni Leo tungkol sa aking condition bago kami umalis.
"Hmm.. Lung Cancer." Malamig na sabi ko habang nagla-lakad kami ni Leo sa hallway.

BINABASA MO ANG
My Badass Girlfriend
RomansaA story intoxicated with lies, hate and violence. Can love truly keep them together? Or will revenge set them apart? THIS IS A WORK OF FICTION. Characters, Events, Places, Businesses and Band Names are either the products of the author's imagination...