Kabanata 3

95 2 0
                                        

- Aizekiel's POV -

"Bro, anong ire-regalo mo?" Pagtatanong ni Connor sakin habang nagtitingin ng mga damit para sa girlfriend niya.

"Hindi ko pa nga alam eh. Ang hirap nun hanapan ng regalo eh." Malapit na kasi yung anniversary namin ni Cossette, at wala pa akong mahanap na ipangre-regalo sa kaniya. Sumama ako kay Connor ngayon kasi bibili siya ng ipangre-regalo para sa birthday naman ng girlfriend niya.

Akala ko makakahanap ako agad pag kasama ko si Connor, pero mas mahirap pala. Magka-ibang magka-iba ang taste at gusto ng mga girlfriend namin. Mahilig sa skirts at crop tops ang girlfriend niya, si Cossette naman ay mga jeans at leather jacket. Mahilig sa pink at mga stuffed toy ang girlfriend niya, habang si Cossette naman ay mahilig sa black at edgy na gamit. Kung ang girlfriend niya ay mahilig sa girl's night out, ang girlfriend ko naman ay mahilig sa basagan ng ulo at sapakan. See the difference? Napakalayo diba?

"Ano sa tingin mo, magugustuhan niya kaya ito?" Pagtatanong ko kay Connor habang tinataas ang isang singsing na simple lang pero may diamond sa gitna.

"Seryoso ka bro? Yang singsing na yan?" Tinignan niya ko ng may expression na "nagbibiro ka ba?"

"Knowing Cossette bro, sapak ang makukuha mo pag binigay mo yan. Hahaha!" Pagbibiro niya sakin habang hinahampas-hampas ako.

Wala talaga akong maisip at mahanap na i-regalo sa kaniya kaya tinulungan ko na lang si Connor na maghanap ng regalo para sa girlfriend niya.

Kung saan-saan kaming boutique na pumasok bago kami natapos sa pamimili ng pangre-regalo niya.

Grabe, parang 1 year supply yung mga binili niyang gamit. Napakadami! Nasa 15 na paper bag ang dala-dala namin. Tatlong sapatos, limang dress, dalawang pabango, tatlong hikaw at dalawang bag.

Sa sobrang dami ng kaniyang binili, tinulungan ko pa siya hanggang sa parking lot. Buti na lang at magka-lapit lang naka-park ang mga sasakyan namin kaya hindi ako masyadong napagod maglakad nung mag-hiwalay na kami.

Habang nagda-drive ako pauwi, may nakita akong isang shop na may mga gamit na pasok sa taste ni Cossette. Nag-park muna ako at bumaba para tumingin sandali.

May nakita akong military dog tag na may nakalagay na may bible verse. Psalm 23:4.

Perfect ito since lagi akong naga-alala para sa safety niya.

Ngayon lang ako nakakita ng ganitong dog tag, at nagi-isa na lang din ito. Binili ko ito agad at pinabalutan na ito ng gift wrap.

Nakatayo na ako sa harap ng sasakyan ko nang may dalawang lalakeng humawak sakin at tinutukan ako ng kutsilyo. Hinihingi yung wallet ko, susi ng sasakyan at itong hawak-hawak ko.

Kunin na nila ang pera ko at sasakyan ko, wag lang ang regalo ko sa kaniya. Hirap kaya hanapin nito. -_-

Niyakap ko ang regalo ko gaya ng pagyakap ko sa lunch box ko noon.
Hindi ko binibitawan ang regalo ko kaya sinimulan nila akong suntukin.

Nasa kanila na yung wallet ko at susi ng sasakyan ko pero ayaw nila iwanan yung hawak-hawak ko.

Pinagsu-suntok nila ako hanggang sa nakahiga na ako sa sahig.

Pinanood ko sila habang dala-dala yung mga gamit ko papunta sa aking sasakyan.

----------

"Bro, anong trip mo?" Pagkadilat ko ng mata ko ay bumungad agad sakin si Kaizer. Tumingin-tingin ako sa paligid ko.

"Eh?! Anong ginagawa ko dito?" Hindi ko maalala kung paano ako nakapunta dito.

"Aba, malay namin sayo kung bat mo binuwis buhay mo para sa bagay na ito." Sabi ni Connor habang pinupukpok ang isang box sa ulo ko.

Tinignan ko itong mabuti. "Saan niyo nakuha ito?" Eto yung regalo ko kay Cossette. Pero, nakita ko na dala-dala ito nung nga magnanakaw.

"Napakalantutay mo brad! Ang dami mo nang pasa saka sugat na nakuha dun sa dalawang yun, eh si Cossette isang hiwa lang sa labi. Magpakalalaki ka naman minsan! Hahaha!" Pagbibiro ni Kaizer.

"Tss." Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Cossette. Ngayon ko lang napansin na nandito pala siya.

Tumayo siya at lumapit sakin. Nakita ko yung hiwa sa labi niya na tinutukoy ni Kaizer.

Hinagis sakin ni Cossette yung susi ng sasakyan ko at wallet ko na walang kulang.

"Paano? Eh? Dba?" Na-speechless ako. Lahat ng ninakaw sakin ay nandito na sa harapan ko.

"Para kang gago." Sabi niya sakin bago siya makalabas ng kwarto.

Naiwan ako dun ng nagtataka. Mukhang napansin nila Kaizer na wala pa din akong maintindihan sa mga nangyayari kaya kinwento na lang nila sakin ang lahat.

"Nalaman ni Cossette ang nangyari at nahanap niya yung dalawang nambugbog sayo. Nakuha niya lahat ng gamit na ninakaw sayo bago dalhin sa kulungan yung dalawa." Pagke-kwento ni Connor sakin.

"Mukhang na-trauma nga yung mga yun eh. Kung nakita mo lang mga itsura nila pag nakikita si Cossette. HAHAHA! Priceless brad! Napaka-priceless." Dagdag naman ni Kaizer.

Dun ko lang napagtanto ang mga sinasabi nila.

My Badass GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon